Patricia3

Patricia umaming hindi perfect ang marriage nila ni Doc Rob

February 10, 2023 Aster Amoyo 462 views

PatriciaPatricia1Patricia2Patricia4SUWERTE sa isa’t isa ang mag-asawang Patricia Javier at Doc Rob Walcher dahil magkatulong nilang napapalago ang kanilang business, ang Doc Rob’s Chiropractic Clinic na meron na ngayong limang branches in Quezon City, Makati, Alabang, Bacoor, Cavite and Angeles City in Pampanga.

Ang maganda sa couple, marunong din silang mag-share ng kanilang blessings sa pamamagitan ng foundation na kanilang itinatatag na may kinalaman sa kanilang pagiging strong advocates ng wellness and environment.

Ang singer, actress at dating Viva sexy star na si Patricia is now a successful entrepreneur. May dalawa silang anak ni Doc Rob, sina Robert (16) at Ryan (12).

Unang nagkakilala sa San Diego, California sina Patricia at ang kanyang mister nang magkaroon ng series of shows ang singer-actress in the US. They were introduced by a common friend and that first meeting ay nasundan ng isa pa bago bumalik ng Pilipinas ang singer-actress. Nung nasa New York, USA si Patricia, Doc Rob started communicating with her at napabalik ng San Diego si Patricia bago siya tuluyang bumalik ng Pilipinas. This time ay isinama na siya ni Doc Rob sa kanyang chiropractic clinic in San Diego, California where he was based.

The couple had their civil wedding in the US nung December 27, 2004 na sinundan ng kanilang garden wedding the following year, December 27, 2005.

Nang mag-asawa si Patricia, she (temporarily) gave up her showbiz career in the Philippines and lived in San Diego with her American husband. Doon na rin isinilang ang kanilang two boys na sina Robert and Ryan.

Since stiff ang competition sa America ng chiropractic business, the couple decided to have a vacation in the Philippines in November 2014 not them knowing na narito pala ang `goldmine’ na naghihintay sa kanila. At that time ay wala pa silang plano na mag-move sa Pilipinas at ibenta ang clinic ni Doc Rob sa San Diego, maging ang kanilang bahay.

Nagsimula ang mag-asawa sa iba’ti bang charitable wellness projects and extending chiropractic services to needy people hanggang sa sila na mismo ang pinupuntahan ng mga tao at ginawa nilang temporary clinic ang garahe ng bahay ni Patricia sa Antipolo

Nang magsimulang dumagsa ang mga tao sa bahay nina Patricia, doon na nila inisip ang magbukas ng kanilang unang clinic in Quezon City. And a few years later ay isa-isa nang nadagdagan ang kanilang clinic hanggang maging lima na ang branches nito and growing. Nakapagbibigay din sila ng trabaho sa maraming tao.

“We’re so thankful sa lahat ng tumatangkilik ng Doc Rob’s Chiropractic Clinic and we’re giving back the glory to God by sharing our blessings sapamamagitan ng iba’tibang livelihood and wellness projects,” pahayag ni Patricia na kahit kelan ay hindi nagbago since she entered showbiz in the mid-80s sa pamamagitan ng “That’s Entertainment”.

Although may sarili nang resort ang mag-asawang Patricia at Doc Rob in Antipolo, they’re currently building their dream house sa loob ng isang more than 1,000 square meters lot na hindi kalayuan sa kanilang resort.

“Doc Rob and the boys are enjoying it here. Siguro kung malalaki na ang mga anak naming bago kami nag-move ng Pilipinas ay baka nahirapan kaming kumbinsihin sila,” deklara ng Viva singer-actress at entrepreneur.

“At least dito, na-embrace na nila ang kanilang Filipino heritage and culture,” dugtong pa niya.

Ang eldest nilang anak na si Robert is now 5’10” tall at age 16 and still growing at pang-matinee idol ang dating.

Ayon sa kauna-unahang Noble Queen of the Universe (2019) at 2022 Queen of the Ocean, magiging supportive umano sila ni Doc Rob sakaling naisin ng kanilang panganay na pasukin ang showbiz. Pero mas priority pa rin sa kanilang mag-asawa na tapusin muna nito ang pag-aaral.

“I started working at age 15 dahil hiwalay na noon ang parents ko at apat kaming magkakapatid na kailangang buhayin ng nanay namin,” kuwento pa ni Patricia.

“I want my kids to enjoy life pati na ang kanilang pagkabata,” diin niya.

Patricia and Doc Rob have been married for 17 years now. Although hindi umano perfect ang kanilang pagsasama, they make it work para sa kanilang pamilya at mga anak.

Burt Bacharach is gone but never his music

BacharachBacharach1Bacharach2Bacharach3ONE of the greatest, most respected and legendary songwriters, composers, producers, conductors, musicians and arrangers in American pop music history Burt Bacharach is gone at age 94.

Burt died of natural death at his home in Los Angeles, California last Wednesday, February 8, 2023. He was born in Kansas City, Missouri, USA on May 12, 1928.

Si Burt ay apat na beses nag-asawa. His first wife ay si Paula Stewart (1953 to 1958) na sinundan ng actress na si Angie Dickinson (1965-1981) kung kanino siya nagkaroon ng isang anak na si Nikki who suffocated herself with helium matapos ang pakikipaglaban sa Asperger’s syndrome sa loob ng maraming taon. His third wife ay ang lyricist na si Carole Bayer Sager (1982-1991) and they have an adopted son na si Christopher Elton Bacharach. Habang ang kanyang 4thand last wife ay si Jane Hansen na kanyang pinakasalan nung 1993 at nakasama up to the time of his death.

Ang mag-asawa ay nabiyayaan ng dalawang anak, a boy and a girl na sina Oliver at Raleigh.

Unknown to many, si Burt ang discoverer-mentor ng seasoned American singer, actress and TV host na si Dionne Warwick (82) who delivered quite a number of hits like “Heartbreaks,” “Walk On By,” “I Say A Little Prayer,” “The Look of Love,” “Don’t Make Me Over,” “Do You Know The Way To San Jose,” “Alfie” and more.

He also collaborated with other great songwriters and composers including Hal David at iba’t ibang singers tulad nina Marty Robbins, Perry Como, Gene Nathaniels, Jerry Butler, Gene Pitney, Cilla Black, Dusty Springfield, Jackie Dischannon, Bobbie Gentry, Tom Jones, Herb Alpert, B. J. Thomas, Carpenters, Marlene Dietrich, Barbra Streisand, Elvis Costelo, Neil Diamond, Roberta Flack and Patti LaBelle.

He also wrote the classic hit “That’s What Friends Are For,” his reunion project with Dionne Warwick in 1985.

Most of his songs topped Billboard’s Hot 100 and some of the songs that he co-wrote include “This Guy’s In Love with You” in 1968, “Raindrops Keep Fallin’ On My Hair” in 1979, and “(They Long To Be) Close To You” ng Carpenters in 1970 at “Arthur’s Theme” (Best That You Can Do) in 1981 which he co-wrote with Christopher Cross.

A six-time Grammy awardee and 3-time Academy Awardee.

Although ipinanganak si Burt in Kansas City, Missouri, he grew up in Kew Gardens in Queens, New York, USA. Siya’y nagtapos ng high school sa Forest Hills High School. Ang kanyang amang si Mark Bertram `Bert’ Bacharach ay isang kilalang syndicated newspaper columnist habang ang kanyang inang si Irma Freeman ay isang amateur painter and songwriter at siyang unang nagturo kay Burt na tumugtog ng piano at kung kanino niya minana ang kanyang talent bilang songwriter and pianist.

Jewish ang family ni Burt pero ayaw niya umano ito ipaalam dahil karamihan ng kanyang mga kakilala at kaibigan ay Catholic.

Sa umpisa ay ayaw umano niyang mag-aral ng classical piano lessons and he would present a fake ID para lamang makapasok sa 52nd Street clubs para mapanood si Dizy Gillespie and Count Bassil na malaki umano ang influence sa kanyang style of music.

Burt studied music at Montreal’s McGill University at the Mannes School of Music at sa Music Academy of the West in Montecito, California and jazz music was his first love.

But even if Burt is gone, his music will continue in the hearts of his fans all over the world.

SUBSCRIBE, like, SHARE and click the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE