Posas

Parak nasagasaan ng drag racer

November 24, 2023 Melnie Ragasa-limena 495 views

SUGATAN ang isang pulis nang sagasaan ng lalaki na aarestuhin niya sana dahil sa drag racing noong Huwebes sa Quezon City.

Sa kabutihang palad, natimbog ng mga pulis ng Quezon City Police Station 16 ang suspek na si Carl Andre Perez, 23, ng Brgy. Kaligayahan, Novaliches, Quezon City nang isuko ng kanyang ama.

Nasagasaan ang pulis na si Pat. Selvin Razon dakong alas-2:10 ng madaling araw ng dilaw na Honda Civic sedan.

Nilapitan ni Razon ang suspek pero pinaharurot ang kotse kaya nasagasaan ang pulis. Hinabol ng iba pang pulis ang suspek kaya natiklo.

Sobra ang ingay ng kotse dahil sa acceleration pati na ang isa pang sasakyan.

Kinukondisyon na ng suspek ang kotse para sa drag racing sa Commonwealth Ave., corner Mindanao Avenue, Brgy. Pasong Putik Proper, Novaliches, Quezon City nang masagasaan niya ang pulis.

Dakong alas-9:15 nang umaga nang isuko ang suspek ng kanyang ama sa Brgy. Hall ng Kaligayahan, Novaliches, Quezon City at saka inaresto ng mga pulis.

Nakuha ang Honda (WFD 616) ng suspek sa San Mateo, Rizal.

Nahaharap sa kasong frustrated murder, resistance and disobedience to an agent of a person of authority, alarm and scandal, at paglabag sa Batas Pambansa Blg. 33, sa ilalim ng Presidential Decree No. 1865 ang suspek.