CAAP

Paninira ng airport facilities may multang P1M, 6-year jail–CAAP

February 16, 2024 Jun I. Legaspi 114 views

BINALAAN ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) ang publiko kaugnay sa mataas na multa sa hindi awtorisadong pagpasok sa mga airports lalo na kung magdudulot ng panganib sa operasyon.

Alinsunod sa batas, may kaakibat na parusang isa hanggang anim na taong pagkakakulong at multang hanggang P1 milyon kung magdudulot ng panganib sa air navigation ang paninira ng air navigation facilities at panghihimasok sa operasyon ng paliparan.

Ito ay kasunod ng paghahain ng reklamo ng CAAP sa Department of Justice (DOJ) kaugnay sa illegal trespassing sa Godofredo P. Ramos Airport o mas kilala bilang Caticlan Airport.

Sinampahan ng kaso ni CAAP Director General Captain Manuel Antonio L. Tamayo ang isang tao na naglagay sa alanganin sa Caticlan airport runway matapos putulin ng suspek ang bahagi ng bakod ng airport perimeter fence at naglagay ng hazardous Foreign Object Debris (FOD) sa runway.

Paglabag ang insidente sa Section 81 (b) (7) ng Republic Act No. 9497, ang batas na bumuo sa CAAP.

AUTHOR PROFILE