Default Thumbnail

Panibagong oil spill pinangangambahan sa Cebu

March 12, 2023 Zaida I. Delos Reyes 217 views

BINABANTAYAN ngayon ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard- Marine Environmental Unit ang posibleng pagkakaroong ng panibagong insidente ng oil spill kasunod ng paglubog ng issang tugboat na may lulang 60 litro mg diesel oil sa karagatan ng Cebu City.

Ayon sa PCG District Central Visasyas, lumubog ang MTUG Nagasaka habang hinihila ang LCT Jana Juliana sa may katubigang sakop ng 200 yards south ng Colorado shipyard sa Cebu nitong Biyernes.

Ang insidente ay nagresulta din sa pagkakawala ng isang crew ng MTUG Nagasaka na mabilis na tumalon sa dagat .

Agad namang ipinadala mg PCG ang mga divers ng BRP Cape San Agustin (MRRV-4408) at Special Operations Group (SOG)-Central Visayas upang magsagawa ng search and rescue operation.

Dakong 1:00 ng tanghali ay natagpuan ng mga mangingisda ng Barangay Ibo, Lapu-Lapu City ang lumulutang na katawan ng lalaki na kinumpirmang ang nawawalang crew.

Napansin na rin sa lugar ang minimal oil sheens kaya naman agad na maglatag ang PCG ng isang segment ng oil spill boom.

Sa kasalukuyan, patuloy ang pagbabantay ng PCG sa sitwasyon ng katubigan sa lugar.