Aiko Larawan mula sa IG/Aiko Garcia

Pampakulo ng libido

September 6, 2024 People's Tonight 235 views

BULWAK kung bulwak ang sex appeal ng Vivamax crush na si Aiko Garcia kung bibisitahin ang kanyang social media.

Hindi dahil sa panahon kundi dahil sa kanyang body kumulo ang libido ng mga nasa opposite sex nang mag-post siya ng ilang larawan sa Instagram.

Eh kasi naman, si Aiko, malinamnam ang patakam habang suot ang kanyang two-piece bikini.

Pangarap nga ng mga kelot na makasama siya sa paglublob sa kumukulong jacuzzi dahil mapapa-“j” din sila kapag siya na ang kasama.

Kahit na sinong barako na kanyang tagasubaybay ay titirik ang mga mata sa perpektong kurba ng katawan ni Aiko at makinis na balat nito.

Wala mang makeup, litaw pa rin ang kariktan ni Aiko.

May magandang aromang dala ang karisma ng hot actress kaya nga bet na bet siyang diligan ng mga male fans.

Loud and proud nga ang mga kalalakihan sa kanyang comment section na crush nila ang Vivamax actress. Hinangaan at pinusuan nila ang inihain ni Aiko.

Matatandang nitong July, tampok si Aiko sa kalalabas pa lang na original film ng nasabing subscription based, video on-demand app na ‘Maharot’ sa direksyon ni Rodante Y. Pajemna, Jr.

Bukod sa bagong pelikula, nakilala rin si Aiko sa kanyang pagganap sa mga proyekto kabilang na ang Balik Taya (2023), Flirtatious (2023), at Palipat-lipat, papalit-palit (2024).

AUTHOR PROFILE