May salamangka
MAY bitbit na salamangka ang wangkata ng aktres at social media personality na si Sachzna Laparan.
Lahat ng tititig na barako sa kanyang patakam, tila hipnotismo dahil sa automatic na nag-iinit ang laman.
Sa Instagram account ng social media star, pasabog ang video na ibinida niya. Sa isang isla naghasik ng sex appeal si Sachzna.
“Binibining may salamangka,” maikling caption niya sa post.
Mapapanood siyang ayaw magpaawat sa pag-awra. Effortless naman ang no makeup look ng bebot, angat na angat ang natural nitong ganda.
Tila isang bulaklak na namukadkad ang pagka-blooming ni Sachzna sa suot niyang two-piece floral bikini.
Pinatakam din ng internet personality ang kanyang male fans sa pamamagitan ng paglalantad ng wetpaks nito.
Wala ngang bahid na anong kadiliman ang ibinalandra niyang makatas na sex appeal. Nag-ala kutis gatas ang balat nitong tiyak na bet na bet ng mga barakong ialmusal sa umaga at laklakin sa gabi bago matulog.
Buhay na buhay nga ang post ni Sachzna mula sa mga reaksyon ng netizens. Pansin nila ang pagiging fresh ng bebot at tuloy-tuloy na pagbibida nito ng kaseksihan.