Kim

Pagtse-check ni Paulo sa backless gown ni Kim ikinakilig ng fans

April 7, 2025 Vinia Vivar 123 views

Halos mabaliw sa kilig ang fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino sa isang video na ibinahagi ng aktres sa Instagram ngayong araw.

Makikita sa video ang peparations ni Kimmy para sa ABS-CBN Ball 2025 na ginanap last Friday sa Solaire Resort North.

“It really does take a village to prep for a night like this, and I’m beyond grateful to have the most amazing team by my side. Thank you all for your time, talent, care, and for making sure every detail was perfect—from head to toe, inside and out.” bahagi ng caption ni Kim.

Nagpasalamat din siya kay Paulo na bahagi ng video niya.

“Special shoutout to @pauavelino for being such a sport and embracing his lowkey inner tiktokerist in the making! hihi!” saad ni Chinita Princess.

“Another magical #ABSCBNBall moment checked off. So proud to walk that carpet as a KAPAMILYA, surrounded by love, creativity, and community. Here’s to more memories to be treasured! #abscbnball2025,” sey pa ng aktres.

Sa video ay makikitang sinundo ni Paulo si Kimmy sa hotel room nito para pumunta sa ballroom ng ABS-CBN.

Sey ni Paulo kay Kimmy, “Patingin nga ng suot mo.”

Ipinakita naman ng aktres ang gown niya at tumalikod pa para ipakita na backless ito na tila ipina-approve niya kay Paulo.

Sinipat-sipat naman ni Paulo ang gown na parang tsine-tsek muna niya talaga.

Mukhang approved naman kay Paulo ang backless gown dahil ang sumunod na eksena ay magkasama na silang pumunta ni Kimmy sa ballroom.

Sa true lang, ‘yung pagkakasabi ni Paulo ng “patingin nga ng suot mo” ay hindi tonong magkaibigan na gusto lang makita ang suot ng friend. Ang dating ng dialogue ng aktor ay gusto niya munang i-tsek ito.

Na napansin ng fans, of course, kaya naman sobrang kinilig sila.

AUTHOR PROFILE