Ang nakaraan ni Direk Bobot na hindi alam ng marami

April 7, 2025 Aster Amoyo 276 views

PicCocoMASAYA ang singer, actor-comedian at director na si Edgar `Bobot’ Mortiz na makita ang kanyang mga kiddie talents noon sa dating kiddie gag show na “Goin’ Bulilit” na sina Kathryn Bernardo, Julia Montes at Belle Mariano who all have grown up into major stars. Ang tatlo ay muli niyang nakita sa star-studded event na ABS-CBN Ball 2025 sa grand ballroom ng Solaire Resort-North in Quezon City nung nakaraang Biyernes ng gabi, April 4, 2025.

Sina Kathryn, Julia at Belle ay tatlo lamang sa maraming dating talents na naging bahagi ng “Goin’ Bulilit” (2005-2019) na muling bumalik sa ere nung isang taon (2024).

Si Direk Bobot (palayaw ni Edgar) ang creator at naging director ng “Goin’ Bulilit” kung saan din nagsanay bilang director ang dalawa sa kanyang mga anak na sina Frasco at Badjie Mortiz.

Speaking of Direk Bobot, kahit pumalaot na ito sa pagiging actor-comedian at director, hindi pa rin nito nakakalimutan ang kanyang first love, ang pagkanta.

Unknown to many, si Bobot ay naging grand champion noon ng “Tawag ng Tanghalan” amateur singing competition na siya ring pinanggalingan ng superstar na si Nora Aunor. They were one year apart. Nauna si Guy at sa sumunod na taon ay si Bobot naman. Bago ang Guy and Pip tandem nina Nora Aunor at Tirso Cruz III, sina Guy at Bobot muna ang unang magka-loveteam. Nabuwag lamang ang Guy-Bobot loveteam nang dumating na si Pip (Tirso Cruz III). Nang mawalan ng ka-loveteam si Bobot ay siya namang dating ni Vilma Santos na nakita noon ni Bobot sa corridor ng ABS-CBN at siya mismo ang nag-request sa yumaong TV director at actor na si Tony Santos na si Vi ang gusto niyang maka-loveteam at dito nagsimula ang Vi & Bot loveteam na nakatapat noon ng tambalang Guy & Pip.

Bobot married his wife, Millet Santos on April 3, 1977 at sila’y nabiyayaan ng apat na anak na sina Ma. Frances Camille, Ma. Carmella Catalin, Frasco and Badjie. Last April 3, the couple celebrated their 48th wedding anniversary.

Si Millet ay nakababatang kapatid ng ABS-CBN executive, award-winning actress at dating TV host na si Charo Santos-Concio.

When Bobot was in his teens, he recorded his best selling album in 1969, “My Pledge of Love” under Willears Records ng dati niyang manager na si William Leary. Ito’y nasundan ng “Simply The Best” in 1970, also under Willears which were eventually released ng Vicor Music Corporation na pag-aari pa noon ng first cousins na sina Boss Vic del Rosario, Jr. and Orly del Rosario Ilacad. Ang mga sumunod na albums ni Boboy ay under Vicor na tulad ng “Alaala ng Pagbabalik,” “People” at ang kanyang self-titled album na “Edgar Mortiz”.

Nung 1970, ang awiting “My Pledge of Love” ni Bobot ay ginawaran ng Best Single award mula sa Awit Awards and the following year (1971) ay nanalo namang Best Mini-album ang “Something Stupid” nila ni Vilma Santos.

Dahil nami-miss na ni Bobot ang pagkanta, he produced and recorded an album, ang “Goin’ Standards” nung isang taon na binubuo ng kanyang mga paboritong standard songs.

Looking forward si Bobot to perform the songs in his latest album sa isang live concert.

Nanay ni Kring Kring yumao na

Pic1Pic2PUMANAW na ang ina ng singer, actress at entrepreneur na si Cristina `Kring-Kring’ Gonzales-Romualdez, ang dating model na si Charito Malarky kahapon ng umaga, April 6, 2025 sanhi ng long suffering of pneumonia. She was 81.

Si Charito ay dating model of Spanish and British ancestry at misis ng namayapa na ring dating Sampaguita matinee idol, ang singer, actor, businessman at dating politician na si Jose Mari Gonzales na sumakabilang-buhay nung April 16, 2019 at the age of 80.

Iniwan ni Charito ang kanyang limang anak na sina Cristina, Jose Luis, Michael, Ana Margarita, Jose, Jr. at mga apo.

Ang mga labi ni Charito ay naka-burol ngayon sa The Heritage Chapel in Taguig City.

Buboy may anak na rin sa bagong karelasyon

BuboySA recent guesting ng actor na si Buboy Villar sa “Fast Talk with Boy Abunda,” inilahad nito na may anak na rin umano ang dati niyang karelasyon, ang American na si Angillyn Gorens sa bago nitong karelasyon.

Ayon kay Buboy, wala umano siyang matinding reaction sa pagkakaroon nito ng bagong karelasyon at bagong anak sa Amerika lalupa’t hindi naman umano sila kasal.

Sina Buboy at Angillyn ay may dalawang anak na sina Vlanz Angillyn at George Michael na nasa pangangalaga ngayon ng adoptive Filipino parents ni Angillyn.

Si Buboy ay may bagong karelasyon ngayon, si Khrizza Mae Sampiano at meron na rin silang isang three-month old son.

Pinabulaanan din ni Buboy ang paratang sa kanya ng dating karelasyon na sinasaktan umano niya ito nung nagsasama pa sila.

At 27, may tatlo nang anak ang Kapuso actor at vlogger.

Carlos at Chloe bongga nang dumalo sa ABS-CBN Ball

DREAM come true para sa magkasintahang Carlos Yulo at Chloe San Jose ang kanilang kauna-unahang pagdalo sa star-studded ABS-CBN Ball 2025 last Friday evening, April 24 na ginanap sa Solaire Resort – North in Quezon City.

Si Carlos ay ang two-time Olympics gold medalist habang si Chloe ay kabilang na ngayon sa Star Pop artist ng Star Music.

Tulad ng ibang celebrities na dumalo sa ABS-CBN Ball, pinaghandaan din nina Carlos at Chloe ang kanilang kasuotan sa nasabing major event.

SUBSCRIBE, like, SHARE and press the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster-amoyo.

AUTHOR PROFILE