
Paglilinaw ni Derek: Sarah ‘di totoo na duguang nagpunta sa bahay nila ni Ellen
Mariing itinanggi ni Derek Ramsay ang tsikang kumakalat na duguang pumunta ang misis ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati sa bahay nila ni Ellen Adarna para humingi ng tulong sa kanila.
Ang tsikang ito ay konektado sa speculations na diumano at sinasaktan ni Richard si Sarah.
Sa panayam ni Cristy Fermin kay Derek, talaga raw nais niyang klaruhin ito kahit hindi pa itanong sa kanya.
Nalaman nila ni Ellen na may ganitong tsikang kumakalat nang mapanood nila sa TV habang nakahiga sila sa kama.
“Hindi pumunta po dito si Sarah (na) duguan, kasi kung duguan siya pumunta dito, ako mismo ang pupunta do’n sa bahay ni Richard at kakausapin ko siya,” pahayag ni Derek.
“Ako, ‘di ko siya (Richard) kilalang masyado pero hindi ako naniniwala sa… hindi ako sang-ayon na manakit ka ng babae,” dagdag ng bida ng Metro Manila Film Festival 2023 entry Kampon.
Patuloy pa ni Derek, “Kahit anuman reason, kahit na prinovoke ka or anything, in my books… kasi nanggaling na ako diyan kaya may pinanggagalingan ‘tong ano ko, emosyon ko, eh.
“Ako, binugbog na ‘ko, lahat na, ginawa sa ‘kin, hindi ako nanakit.”
Kaya kung talaga raw totoong pumunta si Sarah sa kanila na duguan ay hindi siya tatahimik lang at gagawan niya ito ng aksyon.
Inamin naman niya na maraming beses nang nakapunta si Sarah sa bahay nila dahil kaibigan nito si Ellen at ang mga anak nila ay nag-aaral sa same school.
Nagpunta nga raw si Sarah kamakailan sa kanila dahil may collaboration ito kay Ellen at isa pang friend nila, pero hindi duguan ang misis ni Richard.
“She was her beautiful self. Yes, payat siya, mas payat siya from before, pero walang gano’n,” sey pa ng aktor.
“Can I just add, ‘Nay, ayokong makisawsaw sa mga ganyang klaseng mga issue kasi it’s none of my business, pero nu’ng nabanggit nga ‘yung pangalan namin ni Ellen, I think I should express some of my feelings na this is between Richard and Sarah. I think all parties should keep quiet kasi in my experience, people who talk more are the ones na may itinatago.
“Both parties naman are keeping quiet and it’s sad na may ganito,” pahayag ni Derek tungkol sa breakup issue nina Sarah at Richard.
Payo pa ng aktor, “Nakakaawa ‘yung mga bata, dapat tahimik na lang.”