MBARMC

Paglikha ng MBARMC aprub na sa Kamara

May 18, 2024 Ryan Ponce Pacpaco 120 views

INAPRUBAHAN na ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill (HB) No. 10158 o ang pagtatatag ng Manila Bay Aquatic Resources Management Council (MBARMC) na siyang mangangasiwa, magbabantay at mangangalaga sa karagatan at yamang tubig sa Manila Bay.

Sa ginanap na botohan sa sesyon ng plenaryo noong Miyerkules pumabor sa panukala ang 185 kongresista.

“The Manila Bay Aquatic Resources Management Council (MBARMC) will serve as the sole authority to manage, control, and supervise the Manila Bay. It will ensure that all plans, programs, and initiatives to conserve the waters and fishery resources of Manila Bay are harmonized,” ayon kay Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez.

“The bill aims to ensure the speedy, consistent, and efficient adoption and implementation of programs by concerned government agencies and local government units over Manila Bay, in compliance with the writ of continuing mandamus issued by the Supreme Court,” dagdag pa ng pinuno ng Kamara.

Inamyendahan ng panukala ang Section 16 Article 1 ang Municipal Fisheries ng Republic Act (RA) No. 8550, na inamyendahan naman ng RA No. 10654, na nag-aalis sa lalawigan, lungsod at munisipalidad na nakapalibot sa Manila Bay.

Ayon sa panukala, ang mga magiging kasapi ng MBARMC ay ang mga kalihim ng Department of Agriculture, Department of Environment and Natural Resources, Department of the Interior and Local Government, Department of Human Settlements and Urban Development, Department of Health, Department of Public Works and Highways, Department of Justice; Chairperson ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Administrator ng Local Water Utilities and Administration; gubernador ng Bataan, Bulacan, Pampanga, Cavite, mg alkalde ng mga siyudad at munisipyo na may sakop ng hangganan ng Manila Bay, Commandant ng Philippine Coast Guard, at direktor ng Philippine National Police-Maritime Group.

Noong 2008 ay naglabas ng desisyon ang Korte Suprema na nag-aatas sa MMDA na linisin at isaayos ang Manila Bay bilang bahagi ng kanilang responsibilidad.

Ang kaso ay nag-ugat sa isinampang reklamo noong 1999 ng mga residente malapit sa Manila Bay sa Regional Trial Court laban sa ilang ahensya ng pamahalaan kabilang na ang MMDA para sa paglilinis, rehabilitasyon at pangangalaga sa Manila Bay.

AUTHOR PROFILE