Kim1

Pagli-live in nina Jerald at Kim may bendisyon ng magulang

October 20, 2023 Aster Amoyo 432 views

JeraldJerald1KimHINDI ikinakaila ng “Instant Dad” lead star, ang singer, actor, comedian and entrepreneur na si Jerald Napoles na nagli-live-in na sila ng kanyang longtime girlfriend, ang singer, actress-comedienne na si Kim Molina na nagsimula nung pandemic time. Nagsimula ang love affair ng dalawa in 2014 nang sila’y magkasama sa Pinoy hit musical na “Rak of Aegis” kung saan sila parehong gumanap as Aileen and Tolits (alternating with Aicelle Santos and Pepe Herrera).

Sa simula pa lamang ng kanilang pagsasama ay hanga na si Jerald sa husay si Kim. Nagsimula umano sila bilang magkaibigan na `nagkalandian’ at naging best friends. Pero at that time ay wala umano silang commitment sa isa’t isa. Gusto lamang umano nilang parating magkasama.

“Nung minsang masiraan ako ng sasakyan, si Kim ang tinawagan ko na agad ako pinuntahan,” kuwento ni Jerald.

Habang tumatagal ay na-develop umano sila sa isa’t isa at lumalim ang kanilang relasyon.

Although pareho silang nagsimula sa teatro, mas naunang nag-crossover sa telebisyon at pelikula si Jerald kesa kay Kim.

Nasa pangangalaga dati ng Triple A Talent Management si Jerald bago ito lumipat sa pangangalaga ng Viva Artists Agency (VAA) kung saan naman mas naunang nakakontrata si Kim.

Taong 2019 nang umalagwa ang career ni Kim na sunud-sunod noon ang proyekto. She was cast in the hit afternoon TV series ng ABS-CBN, ang “kadenang Ginto” at sa digital movie ng iWant TFC, ang “Momol Nights” na sinundan ng kanyang launching on mainstream movie sa pamamagitan ng “Jowable” under Viva na naging hit.

“Nabasa ko ang script ng “Jowable” at sinabi ko sa kanya (Kim) na magiging hit ang movie niya at `yun nga ang nangyari,” salaysay ni Jerald.

First movie together nila ni Kim ang “Ang Babaeng Walang Pakiramdam” na sinulat at dinirek ni Darryl Yap. The movie was originally intended for theatrical release in 2020 pero inabutan ito ng pandemic kaya ito’y ipinalabas sa buong streaming app ng Viva, ang Vivamax.

During the pandemic, nag-stop ang lahat at marami ang nawalan ng trabaho at pagkakakitaan. Since mag-isa lamang namumuhay si Kim habang si Jerald ay tanging ang kanyang ina lamang ang kasama, nag-desisyon ang magkasintahan na mag-live-in to take care of each other. Pero bago nila ito ginawa ay nagpaalam muna ang dalawa sa parents ni Kim na naka-base sa Dubai where his father is an established dentist.

Dahil walang kasiguraduhan ang buhay during the pandemic at gusto rin nilang may kasama nag-aalaga sa kanilang anak, pumayag ang mga magulang ni Kim na sila’y magsama na sa isang bubong.

“I was 28 nang humiwalay ako sa mom at grandparents ko to live independently,” pag-amin ni Jerald.

“Ang mother ko was working then in Cavite kaya I was staying with my grandparents na umiyak noon nang humiwalay ako sa kanila. I happen to be their paboritong apo,” paglalahad pa ng singer-actor-comedian.

“Nang kumikita na ako ng maganda, pinahinto ko ang mother ko na magtrabaho at ako na ang sumusuporta sa kanya,” ani Jerald who was still a baby nang magkahiwalay ang kanyang parents.

“Seaman ang father ko na may ibang pamilya,” pag-amin pa niya.

“I was raised single-handidly ng mother ko and my grandparents,” dugtong pa niya.

“Pero hindi naman ako pinigilan ng mother ko na makipagkita sa (biological) father ko kaya I have a good relationship with may dad and my half younger siblings,” aniya.

Siyam na taon na rin ang relasyon nina Jerald at Kim at matagal na rin silang nagsasama, wala ba silang planong magpakasal at bumuo ng pamilya?

“Siyempre, matagal na rin naman namin `yan na pinag-uusapan. Kasama siya sa mga plano namin, ang magpakasal at bumuo ng sarili naming pamilya,” pahayag ng singer, actor-comedian.

“Gusto naming i-secure ang future kaya ngayon pa lamang ay nagtayo ng kami ng sariling business,” aniya.

Meron silang health and wellness business, ang FITMIX at ang naunang pet clothing line na Boopy Pet ni Kim.

“Hindi naman sa lahat ng panahon ay kumikita kami bilang artista kaya kailangan namin ng stable income kaya kami nagtatag ng sariling business,” pagbabahagi pa ng actor-comedian.

‘It’s Your Lucky Day’ tuloy pa rin kahit bumalik na ang ‘it’s Showtime’?

LuisLuis1KAHIT dalawang linggo lamang ang itatagal sa ere ng daily game show na “It’s Your Lucky Day” na siyang pansamantalang kahalili ng MTRCB suspended noontime program ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime,” masayang naitatawid nina Luis Manzano, Robi Domingo, Melai Cantiveros, Shaina Magdayao, Francine Diaz, Seth Fedelin, Negi, Tetay at iba pa ang programa.

Tuwang-tuwa naman ang bumubuo ng “It’s Your Lucky Day” na pinangungunahan ni Luis dahil dumalaw sa set ng programa ang dalawa sa Kapamilya big bosses na sina Carlo Katigbak (president & CEO) at Cory Vidanes (COO for Broadcast) last Thursday, October 19. Nakuha pang biruin on air ni Luis ang dalawang boss na may dala umanong kontrata at ballpen ang mga para ma-extend ang programa.

Ang “It’s Your Lucky Day” ay binuo ng ABS-CBN as their filler program habang `nakabasyon’ ang “It’s Showtime” sa loob ng 12 araw na nagsimula nung October 14 hanggang October 27. Sa October 28 ay muling mapapanood ang “It’s Showtime” na fully recharged ang lahat.

Samantala, umaasa ang Madlang People (televiewers) na mari-retain ang programang “It’s Your Lucky Day” na puwedeng gawing pre-programming ng “It’s Showtime” or puwede ring gawing twice a week on weekends tuwing araw ng Sabado at Linggo.

Natutuwa naman ang mga host ng “It’s Showtime” na pinangungunahan nina Vice Ganda at Anne Curtis na suportado ng Madlang People ang “It’s Your Lucky Day” at hindi sila bumitaw habang `nakabakasyon’ ang “It’s Showtime.” Ginawa naman itong opportunity ng mga host ng program na makapagbakasyon sa iba’t ibang destinasyon.

Samantala, naging guest co-host ang Kapuso star na si Bianca Umali sa “It’s Your Lucky Day “ last Thursday. Bahagi na rin kaya siya ng temporary noontime program or as guest co-host lamang?

Maging sa “It’s Showtime” ay madalas na ring mapanood ang mga Kapuso stars and talents sa Kapamilya noontime show, isang magandang indikasyon ng magandang relasyon ngayon ng dating rival stations.

Ang “It’s Showtime” at ang “It’s Your Lucky Day” ay naihahatid on free broadcast/telecast sa pamamagitan ng GTV na sister TV station ng GMA.

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE