Pagkamatay ng noontime show natabunan ng pagkamatay ni Jaclyn

March 8, 2024 Aster Amoyo 117 views

TahananShowtimeANG tuluyang pamamaalam sa ere ng noontime program na “Tahanang Pinakamaya” produced by TAPE, Inc. (aired on GMA) na siyang naging kapalit ng longest-running noontime show na “Eat Bulaga” nina Tito, Vic and Joey kasama ang Legit Dabarkads, which aired their last live program last Saturday, March 2 ay natabunan sa untimely demise ng premyadong actress na si Jaclyn Jose na sumakabilang-buhay nung umaga ng March 2 dahil sa atake sa puso sa edad na 60.

Simula nung nakaraang Lunes, March 4 ay nagpalabas ang TAPE, Inc. ng replay ng “Tahanang Pinakamasaya” until Thursday, March 7, 2024 at kasunod na rito ang paglabas ng official statement from the company na may kinalaman sa pagtatapos ng programa aired on GMA.

Ang problema ng TAPE, Inc. ay nagsimula nang mag-take over ang new management ng kumpanya na kinabibilangan ng bagong president at CEO, ang dating kinatawan ng 1st district of Zamboanga del Norte na si Romeo `Jon-Jon’ Jalosjos, Jr. (who took over the position from Mr. Antonio `Tony’ Tuviera who was retired from the position). Jon-Jon was joined by his sister Soraya Jalosjos as VP for Administration habang ang kanilang half-brother, ang incumbent Mayor ng Dapitan City na si Seth Frederick `Bullet’ Jalosjos naman ang ginawang Chief Finance Officer (CFO). Since the take-over of the new management ay maraming mga pagbabago ang in-implement at kasama na rito ang pagre-reduce ng talent fees ng hosts and production personnel ng old “Eat Bulaga”. Nasa plano rin ng bagong management ang pagpapalit ng hosts (including the three pillars ng programa na sina Tito,Vic & Joey at ibang Dabarkads). Dito na rin nagsimula ang `gap’ sa pagitan ng new management at nina Tito, Vic & Joey.

When TVJ sensed na hindi na sila kailangan ng TAPE when they were put off the air for their live show, sila na mismo ang nag-announce ng kanilang pagbibitiw sa programa gamit ang FB Live account ng isa sa mga Dabarkads na si Maine Mendoza. Ito’y sinundan ng pagbibitiw ng mga Dabarkads na kinabibilangan nina Maine, Allan K., Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryan Agoncillo, Ryzza Mae Dizon, Miles Ocampo at iba pa.

In private, nakipag-negotiate ang TVJ at ilang production executives na sumama sa grupo with TV5 management at kasunod na rito ang announcement ng pagbabalik ng veteran hosts at ang Dabarkads sa kanilang bagong tahanan nung June 16, 2023. While they were preparing for the launch of their new noontime show on TVJ, naghain din ng petition ang TVJ sa Intellectual Property Office (IPO) para sa rightful ownership ng brand na “Eat Bulaga” laban sa TAPE, Inc.

The new noontime program ng TVJ na may pamagat na “E.A.T.” premiered on July 1, 2023 sa Studio 4 ng TV5 Media Center.

Mula nung June 5, 2023 hanggang January 5, 2024. Nagpatuloy ang TAPE, Inc. sa paggamit ng titulong “Eat Bulaga” with their new set of hosts na kinabibilangan nina Isko Moreno, Paolo Contis, Buboy Villar, Betong Sumaya, Buboy Villar, Mavy Legaspi, Cassy Legaspi, Chariz Solomon, Kimpoy Feliciano, Kokoy de Santos, Dasuri Choi, Glaiza de Castro, Michael Sager, Yasser Martia at Winwyn Marquez. Pero nagbaba ng desisyon ang Marikina City Regional Trial Court Branch 237 nung December 22, 2023 which was issued on January 5, 2024 ang pagpapahinto sa TAPE, Inc. sa paggamit ng titulong “Eat Bulaga,” “EB” maging mga logo nito na ang tunay na nagma-may-ari ay ang TVJ nina former Senate President Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon. Tumalima ang kumpanya at pinalitan nila ang “Eat Bulaga” title to “Tahanang Pinakamasaya”.

Aminin man o hindi ng pamunuan ng TAPE, nagsimulang bumaba ang ratings ng kanilang noontime program nang mawala ang original hosts na TVJ at mga Dabarkads at naging katapat pa ng kanilang show along with ABS-CBN’s noontime show na “It’s Showtime” na napapanood naman on GTV na sister TV network ng GMA.

Sabi nga ng iba, `they dug up their own grave’ nang mag-implement ang kumpanya ng drastic changes sa programa, sa production staff at sa mga dating hosts nito.

Tiyak na malaki ang kinakaharap na problema ngayon ng Jalosjos-owned production company dahil malaki umano ang arrears nito sa GMA na siyang nag-air ng “Eat Bulaga” and eventually “Tahanang Pinakamasaya” noontime show. Bukod sa mga hosts ng “Tahanang Pinakamasaya” nawalan din ng trabaho ang production personnel ng programa.

Samantala, inaabangan ngayon ng mga manonood kung magbubuo ang Kapuso network ng sarili nilang in-house noontime show o ibibigay na lamang nila ang time slot na binakante ng “Tahanang Pinakamasaya” ng TAPE, Inc. sa “It’s Showtime” ng ABS-CBN na napapanood ngayon sa GTV na sister station ng GMA.

Sa part naman ng “Eat Bulaga” ng TVJ sa TV5, ang tatlo na ang may tangan ng kanilang programa through their own production company in cooperation with MediaQuest and TV5.

Dahil sa pagkawala sa ere ng “Tahanang Pinakamasaya,” tiyak na may aabangan pa rin ang mga manonood ng noontime shows dahil tiyak na marami pang movements at pasabog ang tiyak na mangyayari.

Sarah pinasalamatan ang magulang sa Billboard Women in Music Award

SarahSarah1Sarah2ANG Pinoy pop superstar na si Sarah Geronimo ang kauna-unahang Filipina at Asian artist na tumanggap ng Global Force Award mula sa Billboard Women in Music Awards 2024 na ginanap nung nakaraang Miyerkules, March 6 (March 7 sa Pilipinas) sa YouTube Theater, Hollywood Park , Inglewood, California, USA na dinalaluhan ng ilang Grammy luminaries at iba’t ibang music personalities mula sa iba’t ibang bansa.

Bukod kay Sarah, tumanggap din ng kaparehong award si Annalisa ng Italy at Luisa Sonza ng Brazil.

In her acceptance speech, hindi kinalimutang banggitin at pasalamatan ng Popstar Royalty ang kanyang inang si Divine Geromino.

Sarah was accompanied to the event ng kanyang proud husband, ang singer-actor host at entrepreneur na si Matteo Guidicelli.

Suot ni Sarah ang gown na gawa para sa kanya ng kilalang Dubai-based Filipino fashion designer na si Michael Cinco na kanyang tinernohan ng kanyang bagong hairdo.

Ang pakiramdam ni Sarah ay para siyang nanalo ng Grammy dahil pawang mga Grammy award winners ang kanyang nakasama sa Billboard Women in Music Awards 2024.

The 35-year-old popstar started her singing career professionally matapos siyang tanghaling kampeon sa 2003 reality singing competition, ang “Star for A Night” na siyang naging daan para i-sign up siya ng Viva na siyang nangangalaga ng kanyang career hanggang ngayon. Since then, there’s no stopping Sarah who remain as one of the top female performers and concert crowd drawers in the Philippines.

Although she has yet to have a baby with her husband of four years na si Matteo, Sarah is enjoying her married life with her partner of long standing.

Umaasa ang mga fans ni Sarah na muli nila itong mapapanood in a major concert this year, a reunion movie with John Lloyd Cruz and another movie with her husband na si Matteo which most likely will materialize .

Samantala, narito ang mensahe ni Sarah which she posted on her IG Account.

“Billboard, thank you very much for this award.

“I’d like to take this moment to thank God first for the gift of music.

“Thank you to the very first people who believed in me and supported me – my parents. Sa aking nanay at tatay, mahal na mahal ko po kayo.

“My whole family, my manager Boss Vic del Rosario & Viva, to my Popsters – none of this would be possible if not for your unwavering support.

“To my beloved husband Matt, thank you for pushing me to be a better version of myself everyday.

“Thank you Billboard for celebrating women in music and for giving our country, the Philippines this special recognition. I humbly accept this award on behalf of every excellent Filipino artist back home and all over the world.

“This honor belongs to all of us.”

SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE