Pagkamatay ng komedyante iniimbestigahan pa

May 3, 2021 Aster Amoyo 418 views

NATAGPUANG wala nang buhay sa kanyang bahay in Kamuning, Quezon City ang stand-up comedian at isa sa dating co-host ni Willie Revillame sa kanyang game show sa GMA, ang “Wowowin” na si Le Chazz nung hapon ng Sabado, May 1. Iniimbestigahan pa ng authorities ang sanhi ng kanyang pagkamatay. He was 43, nine days short sa kanyang 44th birthday on May 10 (ka-birthday pa namin ni Jake Zyrus).

Si Le Chazz (Richard Yuzon sa tunay na buhay) ay dating jester o taga-entertain sa studio audience before the start ng show or during commercial breaks at doon siya namataan ni Willie. Soon, ginawa siyang isa sa kanyang mga co-host sa show. Naging very close din ito sa isa rin sa dating co-host ng programa ni Willie na si Sugar Mercado.

Nung nabubuhay pa si Le Chazz ay nakapag-guest din ito sa gag show ng ABS-CBN noon, ang “Banana Split: Extra Scoop” nung 2011 at “Banana Nite” nung 2013. Ang kanyang huling guesting sa telebisyon ay nangyari sa “Wowowin” ni Willie nung nakaraang February 2021.

Ang isa sa malalapit na kaibigan ni Le Chazz na si AJ Tamiza na isa ring stand-up comedian at madalas nakakasama noon ng yumao sa kanyang mga gig ang siyang nag-asikaso ng mga labi ng namayapa na dinala sa Mary Immaculate Funeral Homes.

Si Le Chazz ay mag-isang anak ng kanyang separated parents.

Nung isang taon ay sumakabilang-buhay din ang isa pang stand up comedian na si Kim Idol (41) matapos itong matagpuang unconscious sa isang kuwarto ng Philippine Arena where he was a volunteer na tumutulong sa mga naka-isolate na Covid-19 patients.

Jerika isinilang ang panlimang anak

ANG panganay anak ni dating Presidente Joseph `Erap’ Estrada sa dating aktres na si Laarni Enriquez na si Jerika Ejercito-Aguilar ay kasalukuyang buntis sa pang-apat na anak nila ng kanyang Spanish husband na si Miguel Aguilar. Pero panlima na niya ito at ang panganay na si Isaiah (7) ay anak niya sa kanyang ex-boyfriend na si Bernard Palanca. Ang tatlo niyang anak sa kanyang husband na si Miguel ay ang kambal na sina Daniel at Michael at si Moses.

Ang ipinagbubuntis ngayon ni Jerika ay babae.

Samantala, ang panganay ni Jerika na si Isaiah ay may half-brother, si Elijah (13), anak ni Bernard sa kanyang ex-wife na si Merryl Soriano. Magkaibigan sina Jerika at Merryl at close ang magkapatid na Elijah at Isaiah.

Sa kabila na baby girl ang ipinagbubuntis ngayon ni Jerika, mananatili umanong original `princess’ ang kanyang pamangkin sa nakababata niyang kapatid na si Jake Ejercito na si Ellie (sa actress na si Andi Eigenmann).

Being the eldest sa mga apo ni dating Pangulong Erap si Ellie, ito ngayon ang tumatayong `big sister’ ng kanyang mga pinsan na sina Isaiah, Daniel Michael at Moses at ang nasa sinapupunan ni Jerika.

Ryza natatakot umuwi matapos magtrabaho

WALANG TV network contract ang actress na si Ryza Cenon although siya’y nasa pangangalaga pa rin ng Viva. She’s free to work with any TV network including her former home studio, ang GMA.

Sa ngayon, may bagong movie project si Ryza, ang “Kunwari Mahal Kita” na pinagsasamahan nila nina Joseph Marco at Nathalie Hart mula sa pamamahala ni Dick Lindayag.

Samantala, inaamin ni Ryza na kakaiba ang working condition ngayon dahil sa mga lockdown sa tapings and shootings na malaking challenge sa kanya dahil bukod sa malayo siya sa kanyang anak na si Baby Night, natatakot siyang pag-uwi niya ay siya pa ang makapagdala ng virus.

Kapag wala namang taping o shooting ay 24/7 siyang nakatutok sa kanyang anak na si Night with her partner, Miguel Cruz.

Misis ni Mickey nanganak sa second baby

IPINANGANAK ang second baby ng Filipino-Swiss ex-PBB housemate-turned dancer-choreographer and occasional actor Mickey Ferz and wife Gee-Ann Abrahan noong Labor Day, May 1. They named the baby River Indigo.

Sina Mickey at Gee-Ann ay ikinasal nung 2016 and two years later ay isinilang ang kanilang first baby na si Raphaella.

Nagkasama sina Mickey at Gee-Ann sa Pinoy Big Brother Season 2 in 2007. Mickey was next to Beatrice Saw na tinanghal bilang big winner. Sumunod naman sa kanya si Wendy Valdez at pumang-apat naman ang kanyang wife na ngayon na si Gee-Ann.

Si Mickey ay ipinanganak sa Vienna, Austria. Nang mabalitaan niya ang audition sa Milan, Italy para sa second season ng Pinoy Big Brother ay nag-audition siya at masuwerte namang natanggap. At that time ay tapos na siya ng kanyang pag-aaral sa college in Europe kung saan siya nagtapos ng Business Management.

Magmula nang dumating sa Pilipinas si Mickey ay dito na ito namimirmihan.

Rufa Mae hindi pa makauwi ng Pilipinas

DAPAT sana’y sandali lamang mamamalagi ang singer, actress-comedienne na si Rufa Mae Quinto at ang kanyang four-year-old daughter na si Alexandra sa San Francisco, California, USA kung saan naka-base ang kanyang Fil-American husband na si Trevor Magallanes. Pero ito’y na-extend dahil sa Covid-19 pandemic.

It was February 7, 2020 nang magtungo ng Amerika si Rufa Mae at anak na si Alexandra. Isang taon at three months na ang mag-ina roon bagay na ikinatuwa ng kanyang husband na si Trevor dahil buo sila bilang isang pamilya. Si Trevor ay nagtatrabaho bilang isang police ng San Francisco Police Department (SFPD).

Although nagi-enjoy naman sila ng kanyang anak sa Amerika, gusto na ring makauwi ng Pilipinas ni Rufa Mae dahil narito ang kanyang trabaho bilang singer-actress.

Kaarawan ng yumaong Eddie Garcia ginunita

KAARAWAN ng yumaong actor-director an si Eddie Garcia kahapon, May 2 at 92 years old na sana siya kung ito’y nabubuhay pa.

Eddie died on June 20, 2019 matapos ang hindi inaasahang aksidente habang ito’y nagti-taping para sa isang action-drama series for GMA na pinamamahalaan noon ng yumao na ring director na si Toto Natividad.

Subscribe, like, share and hit the bell button of “TicTalk with Aster Amoyo” on my YouTube channel, follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE