
Pagka-suspend ng show, ginawang positibo ng hosts
SA halip na maging negatibo ang reaction ng bumubuo ng noontime program ng ABS-CBN, ang “It’s Showtime” matapos ma-suspend ang programa ng MTRCB for 12 days mula October 14 to 27, ginawa itong positibo ng grupo.
Kung ang isa sa mga host na si Kim Chiu ay lumipad patungong Los Angeles, California, USA where she had the chance na mabisita ang close friend niyang si Kris Aquino, sa Hong Kong naman nagbakasyon ang tropa na kinabibilangan nina Vice Ganda and partner Ion Perez, Anne Curtis, Karylle (with her husband, Yael Yuzon), Ogie Alcasid, Vhong Navarro, Teddy Corpuz (with his wife, Jasmin Corpuz), Ryan Bang (and his non-showbiz girlfriend na si Paolo Huyong), Jackie Gonzaga at iba pa.
Ang programang “It’s Showtime” ay muling babalik next Saturday, October 28.
In the meantime, patuloy ding kinaaaliwan ang pansamantalang kahalili ng “It’s Showtime,” ang “It’s Your Lucky Day,” isang daily game show with Luis Manzano as main host kasama sina Robi Domingo, Melai Cantiveros, Shaina Magdayao, ang magka-loveteam na sina Francine Diaz at Seth Fedelin, Negi at Tetay. Puwedeng i-repackage ang “It’s Your Lucky Day” at gawing regular game show ng ABS-CBN.
‘Linlang’ number one sa Prime
MASAYANG ibinahagi ng director ng TV series na “Linlang” na tinatampukan nina Kim Chiu, Paulo Avelino at JM de Guzman na si F.M. Reyes sa patuloy na mamayagpag ng serye on Prime Video kung saan No. 1 ito sa Pilipinas, No. 1 sa Qatar, #2 sa Cambodia, #2 in Hong Kong, #5 in Singapore, #5 in Bahrain, #6 in Albania, #6 in UAE, #8 in Papua New Guinae, #9 in Vietnam at #9 sa Canada.
“This is a big blessing. Thank you Father God,” message post ng mister ng actress na si Rita Avila on his FB account.
“Linlang” premiered on Prime Video last October 5. This is co-directed by Jojo Saguin.
Kim sobrang busy, may panahon pa ba kay Xian?
SAMANTALA, grabe ang energy ni Kim Chiu na araw-araw na napapanood sa telebisyon. Although naka-suspend ngayon ang “It’s Showtime,” kabilang siya sa top-rating daily noontime show si Kim mula araw ng Lunes hanggang Sabado at kapag araw naman ng linggo ay napapanood din siya sa Sunday noontime musical variety show, ang “ASAP Natin `To” where she co-hosts and perform bilang singer-dancer. Labas pa ito sa tapings ng kanyang teleserye.
Thankful si Kim na nabigyan sila nang hindi inaasahang `break’ sa “It’s Showtime” kaya siya nakalipad ng Amerika.
Still on Kim, marami na rin ang nagtatanong kung may panahon pa ba ito sa boyfriend na si Xian Lim? At kailan naman kaya magpo-propose ang huli sa kanyang longtime girlfriend? Pareho na ring nasa tamang edad ang dalawa to consider marriage. Thirty-three na si Kim at 34 naman si Xian.
Krissha at Jerome may posibilidad na matulad kina Heaven at Marco
PAGKATAPOS ng matagumpay na TV adaptation of the Wattpad novel university series na “The Rain in Espana” kung nasaan nagsimula ang loveteam at pag-iibigan nina Heaven Peralejo at Marco Gallo, isa na namang kaabang-abang na serye ang dapat abangan laluna ng mga kabataan sa Studio One streaming app produced ng Studio Viva, ang bagong TV adaptation ng ”Safe Skies, Archer” mula pa rin sa panulat ni Gwy Saludes na pinamamahalaan naman ng young director na si Gino M. Santos.
Ang bagong University Series ay siyang maglulunsad sa bagong tambalan nina Krissha Viaje at Jerome Ponce at kung saan kasama pa rin ang majority of the cast ng “The Rain in Espana” tulad nina Heaven Peralejo, Marco Gallo, Bea Binene, Gab Lagman, Aubrey Caraan, Nicole Omillo, Andre Yllana, Frost Sandobal, Hyacinth Callado at ang child actress na si Dani Zee (6) at kung saan naman kasama for the first time si Jairus Aquino.
During the presscon ng “Safe Skies, Archer” na ginanap sa Viva Café in Araneta City, tinanong namin sina Jerome at Krissha if they are currently both single. Inamin ng dalawa na pareho silang nanggaling sa magkahiwalay na relasyon but they are both unattached sa ngayon. Kaya may posibilidad na magka-develop-an ang dalawa tulad sa nangyari kina Heaven at Marco sa “The Rain in Espana” series.
“Safe Skies, Archer” will premiere this November on Viva One.
JK nakabangon muli sa career matapos mawalan ng lovelife
KAPAMILYA singer, songwriter and actor Juan Karlos `JK’ Labajo (22) made history on Spotify platflorm nang pumalo ng mahigit 1.2M sa loob lamang ng isang araw ang latest hit song niyang “Ere” na siya rin mismo ang nag-compose at kumanta.
Matagal-tagal ding nagpahinga si JK from writing new songs matapos ang kanyang monster hit song na “Buwan” which he also wrote and sung and was released on MCA Records nung June 22, 2018.
Tila naapektuhan ang kanyang singing and acting career when he was in a relationship with Filipino-German model, beauty queen and actress na si Maureen Wroblewitz but the two are now separated. At dito muling binalingan ni JK ang kanyang pansamantalang nahintong singing and acting career.
Tulad ni Maureen, si JK ay isa ring Filipino-German. Filipino ang kanyang inang si Maylinda Labajo na sumakabilang-buhay nung November 17, 2013 while his biological German father left them when he was born. Siya’y naiwan sa pangangalaga ng kanyang Lola Linda at Uncle Jiovanni.
Dahil sa kanyang Caucasian look, madalas siyang ma-bully in school at may mga pagkakataon pang sinasaktan siya. Mahirap ang buhay nila noon ng kanyang lola at tiyuhin at naranasan din niyang mamulot ng junk items para magkapera.
Palibhasa’y may talent sa pagkanta, he was 13 when he joined the first season ng “The Voice Kids”. Since nasa Cebu pa sila noon, ang lola niya ay nanghihingi ng financial support para sa gastusin sa pagsali ni JK sa “The Voice Kids” . May pagkakataon pa umano noon na lumapit ang Lola Linda ni JK sa dating gobernador ng Cebu na si Atty. Hilario Davide III at siya’y nabigyan ng P100 na pinasalamatan naman ng matanda.
JK made it to the grand finals ng The Voice Kids in 2013 at siya’y napabilang sa kampo ni Bamboo and ended up 2nd runner up to Lyca Gairanod. Gayunpaman, he was signed up by Star Magic and MCA Records. In 2016, isa rin siya sa pumasok sa “Pinoy Big Brother: Lucky 7” pero tumagal lamang siya ng dalawang buwan sa loob ng PBB house. In 2017 ay kasama siya sa cast ng hit primetime series na “A Love to Last” nina Bea Alonzo at Ian Veneracion . Taong 2018 naman nang kanyang buuin ang sarili niyang banda, ang kanyang namesake na Juan Karlos. Sa taon ding `yon lumabas ang kanyang self-penned hit song na “Buwan”.
Sa kabila ng kanyang pansamantalang pagtigil sa kanyang singing and acting career, muling nakabalik si JK both in singing and acting. Kabilang siya sa hit primetime TV series na “Senior High” at super hit ang kanyang bagong song na “Ere”.
At 22, tila nag-mature na rin si JK pagdating sa kanyang karera.
After his break-up with Maureen Wroblewitz, wala pang bagong girl na nali-link ngayon sa singer, songwriter at actor at lead vocalist ng Juan Karlos Band.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter (X)@aster_amoyo.