Edd Reyes

Paghahanda sa panahon ng tag-ulan, puspusan na

May 22, 2024 Edd Reyes 103 views

DATI, kung kelan tag-ulan ay tsaka nagkukumahog ang pamahaaan sa paglilinis ng mga estero at kanal, pero sa panahon ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos, Jr. hindi na uubra ang ganitong estilo.

Naglabas kasi ng direktiba ang Pangulo sa ilalim ng programang Bagong Pilipinas: Kalinisan at Kaayusan kaya lahat ng mga local government units (LGUs) pati na ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) at Department of Public Works and Highways (DPWH) ay nagtutulong-tulong para maisaayos ang drainage system bilang paghahanda sa nalalapit na tag-ulan.

Tukoy na kasi ng MMDA ang 80-lansangan na laging binabaha sa Kamaynilaan kaya nakatutok sila sa regular na pagmamantine ng drainage system sa mga lugar at tiyaking gumagana ang kanilang 71 pumping stations.

Pero aminado pa rin si Artes na kahit ano pang kayod ang gawin ng pamahalaan, may pagbaha pa rin sa lansangan na resulta ng walang disiplinang pagtatapong ng basura kaya ganun na lang ang kanilang panawagan sa publiko na maging responsable sa pagtatapon ng kanilang basura.

Government Internship Program, kapakipakinabang

NAGING armas ng may 20 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) ang mensahe ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco kaya taas-noo nilang naipagmalaki ang pagtatapos ng anim na araw nilang pag-tatrabaho sa lokal na pamahalaan.

Masayang tinanggap ng mga benepisyaryo ang sahod nilang P3,660 na kumakatawan sa P610 kada araw na trabaho sa lokal na pamahalaan ng Navotas City dahil sineryoso nila ang tagubilin sa kanila ni Mayor Tiangco nang sumailalim sa orientation bago sumalang sa trabaho.

Ang GIP ay programa ng Department of Labor and Employment, katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) ng Navotas na layuning bigyang oportuhidad ang mga kabataang manggagawa sa makapagbigay serbisyo sa publiko.

Ayuda sa may apat na libong Navotenos

HINDI biro ang trabaho ng mga magsasaka at pedicab drivers sa Navotas City kaya nagpursigi si Mayor John Rey Tiangco na mapabilang ang may 3,832 sa kanila na mabigyan ng tig-P3,000 tulong pinansiyal sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS) ng Department of Social Welfare and Development.

Sabi ng alkalde, mahalaga sa ekonomiya at kabuhayan ang pagsisikap ng mga mangingisda at mga padyak driver kaya kailangang silang tulungan para kahit papaano ay maibsan ang kanilang sakripisyo para maitaguyod ang kani-kanilang pamilya.

Nauna ng pinagkalooban ni Mayor Tiangco ng P1,000 educational assistance ang may 355 na estudyanteng may kapansanan para sa buwan ng Marso at Abril habang nakatakda ring bigyan ng P2,000 ang mga rehistradong solo parents ng Navotas, kabilang ang nakakuha lamang ng kanilang ID mula Enero hanggang Abril na hindi napabilang na-ayudahansa nitong Abril.

NavoRehistro, inilunsad sa Navotas

LEVEL up na sa pagbibigay ng serbisyo at pagtataguyod ng digitalization ang Navotas City dahil sa inilunsad na NavoRehistro Citizen Registration Program ni Mayor John Rey Tiangco na lilikha ng isang komprehensibong database para makapaglaan ng wastong pondo na swak sa ibibigay na serbisyo sa mamamayan.

Ayon kay Mayor Tiangco nagagamit na ng mamamayan ang web app ng programang NavoRehistro sa pag-aapply sa pagtatayo ng negosyo, pagbabayad ng tax, at pagbabayad ng ordinance violation receipt pero pauunlarin pa ito para sa pagkakaloob ng tulong pinansiyal o pang-kabuhayan sa mga Disadvantaged/Displaced Workers.

Ang mga naninirahan sa Navotas, nagta-trabaho, o rehistradong botante sa lungsod ay puwedeng magparehistro o lumikha ng sarili nilang profile at kanilang buong pamilya sa pamamagitan ng pagtungo website na www.citizen.navotas.gov.ph. o dili kaya ay magpatulong sa mga opisyal ng kanilang barangay o mismong sa kawani ng city hall.

Sa puna, komento at suhestiyon, mag-text lang sa 0923-347-8363 o mag-email sa [email protected].

AUTHOR PROFILE