Quiboloy

PAG-ARESTO KAY PACQ LATAY KAY DUTERTE

March 8, 2024 PS Jun M. Sarmiento 219 views
Duterte
Dating Pangulong Rodrigo Duterte

BILANG pagpupugay sa okasyon ng International Women’s Day, iginiit ng Akbayan Party na tatayo sila at hindi patitinag upang ipagtanggol ang karapatan at bigyan ng lugar ang mga kababaihan para sa ngalan ng katarungan at katotohanan.

“We raise our voices to demand justice for the countless women who are victims of gender-based violence and harassment, particularly at the hands of Mr. Apollo Quiboloy.”

Ito ang mariing pahayag ng Akbayan Party-list na pinamumunuan ni Rafaela David na nagsabing dapat lamang na bigyan ng hustisya diumano ang mga biktima sa mga sinasabing pang-aabuso na kanilang natikman sa kamay ni Pastor Apollo Carreon Quiboloy.

“His relentless assaults serve as glaring evidence of the entrenched culture of sexism, misogyny and violence festering within our society. We demand swift action – the arrest and punishment of Quiboloy for his appalling acts of gender-based violence and harassment. Holding him accountable sends a resounding message: perpetrators of such vile acts will face the full force of justice. We strongly urge all senators to rally behind Akbayan Senator Risa Hontiveros’ call to hold Quiboloy in contempt and secure his arrest for defiantly snubbing a Senate hearing,” sabi ng Akbayan.

Ayon pa sa Akbayan, tama lamang na bigyan ng hustisya ang napakaraming babaeng biktima diumano na nagdusa sa kamay ni Quiboloy kung kaya’t nananawagan sila sa iba pang senador na bigyang puwang ang katarungan at katotohanan dahil sila ay pinagkatiwalaan ng taumbayan na siyang tagapagtanggol dapat ng mga inaapi.

Ayon pa kay David, dapat umanong magisip-isip ang mga nagtatanggol kay Quiboloy, na inaakusahan ng maraming krimen gaya ng rape at human trafficking, dahil kaawaawa umano ang mga nasabing biktima nito na hayagan ng ibinahagi ang kanilang karanasan sa kamay ng pastor at ng Kingdom of Jesus Christ (KoJC) upang bigyan tuldok ang pang-aabuso na inabot sa kamay ng KoJC pastor.

“Quiboloy squandered the chance to confront his accusers, opting instead to cower behind his supporters. This cowardly evasion must not go unpunished. The Senate must wield its power decisively. It is imperative to recognize the connection between Quiboloy’s abhorrent behavior and the culture of misogyny and violence perpetuated by former President Rodrigo Duterte. Quiboloy’s actions are symptomatic of a broader pattern of disregard for women’s rights and dignity, emboldened and enabled by Duterte’s regime,” giit ng Akbayan.

Ipinaliwanag pa ng Akbayan na sakaling maaresto si Quiboloy, na isang kilalang matinding tagapagtanggol at suporter ni dating Pangulong Duterte at umano’y matatawag din na crony nito, ay magbibigay ng matinding mensahe sa lahat na “kahit sino ka pa man ay hindi makaliligtas sa batas ang kultura ng karahasan at pang-aabuso lalo pa sa mga mahihirap, walang laban lalo na sa kababaihan.”

“It is a testament to our unwavering commitment to justice and the protection of women’s rights. Akbayan Party stands in solidarity with all women survivors of gender-based violence and harassment. We will continue to advocate for the creation of a gender-equal society where women are respected, valued, and free from fear. The time for action is now, and we will not rest until justice is served,” giit ng Akbayan.

Nauna rito, sinabi rin ni Senador Risa Hontiveros, na isa ring miyembro ng Akbayan Party, ang kahalagahan kung bakit dapat bigyan ng boses ang mga biktima ng KoJC at ni Quiboloy, dahil ito aniya ay isang mensahe na dapat tuldukan na ang anumang pang-aabuso at pagmamalabis lalo’t sa kababaihan.

Si Hontiveros, na siya ring chairperson ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality, ay nagsagawa ng tatlong pagdinig at dito nga ay nabulgar ang mga pang-aabuso, panghahalay gayundin ang tinatawag na large-scale human trafficking at child abuse na umano’y ginawa ni Quiboloy gamit ang kanyang KoJC sa mga testimonyang inilahad ng maraming testigo.

“Our women witnesses have had to overcome overwhelming feelings of shame and fear in order to speak their truth, to get justice, and to find peace. Ngayong ipinagdiriwang natin ang araw ng kababaihan, sana matiyak natin ang hustisya para sa bawat babaeng paulit-ulit na inabuso ng taong itinangala nila,” ani Hontiveros.

Sa mga paglalahad na ginawa ng ilan sa mga biktima ng pastor, napagalaman na sapilitan silang ginagamit ni Quiboloy matapos gawing pastoral, bukod pa sa mga serbisyong pagmamasahe at pwersahan na pagtabi sa tuwinang maisip ito ni Quiboloy, kahit pa menor de edad ang babae gamit ang relihiyon at kanilang pananampalataya.

“Hindi lang Pilipinang menor de edad ang diumanong ginahasa ni Quiboloy, pati mga dayuhang pinangakuan niya ng maganda at mapayapang buhay sa Davao. We’ve heard the stories of at least three Ukrainian women who left everything in Ukraine only to be exploited by the Pastor. They were effectively used as sex slaves,” giit ni Hontiveros.

Sinabi rin ni Hontiveros na dapat umanong mahinto ito dahil nanininwala siya na patuloy pa rin ang nangyayaring pang-aabuso sa mga babaeng miyembro nito hanggang sa kasalukuyan.

“To the victim-survivors, your strength and resolve remind us of the women before us who fought for our dignity, our freedom, and our rights. Your grace amid this chaos inspires us to stand with you, tall and undeterred. Umaasa ako na titindig hindi lang ang Senado, kundi ang buong bansa, kasama ninyo,” pagtatapos ni Hontiveros.