Kalinga Source: PCADG Cordillera

P800K halaga ng marijuana sinunog ng Kalinga PNP

April 23, 2024 Alfred P. Dalizon 94 views

HUMIGIT-KUMULANG sa P800,000 halaga ng marijuana ang binunot at sinunog ng mga tauhan ng Kalinga Police Provincial Office sa isang malaking anti-drug operation sa munisipalidad ng Tinglayan nitong nakaraan Sabado.

Ayon kay Kalinga police director, Colonel Freddie M. Lazona, natagpuan ang mga fully-grown marijuana plants and seedlings na tumutubo sa Barangay Loccong,Tinglayan matapos ang ilang araw na paniniktik.

Nagsama ang mga miyembro ng Tinglayan Municipal Police Station, ang 2nd Kailnga Provincial Mobile Force Company, Provincial Drug Enforcement at Intelligence Units at ang Philippine Drug Enforcement Agency sa pagsasagawa ng operasyon.

Matapos ang ilang oras na paglalakad sa bundok, narating ng mga pulis ang naturang marijuana plantation site kung saan binunot nila ang mahigit 4,000 piraso ng cannabis.

Wala namang nahuling marijuana cultivator sa lugar.

Pinuri ni Col. Lazon ang mga operatiba sa kanilang matagumpay na operasyon at siniguro na lalo pa nilang paiigtingin ang kanilang kampanya kontra sa ilegal na droga upang matuldukan ang paglaganap ng pinagbabawal na gamot sa nasabing lalawigan, ayon na din sa utos ni Cordillera Police Regional Office director, Brigadier General David K. Peredo.

AUTHOR PROFILE