Marijuana PAANO ‘TO?–Sinira at sinunog ang mga tanim na marijuana na aabot sa P8.1 milyon sa Benguet.

P8.1M marijuana nasamsam sa Benguet

January 18, 2024 Jonjon Reyes 242 views

MAHIGIT P8.1 milyong halaga ng marijuana ang nahukay at nasamsam mula sa 15 marijuana plantation sites sa Kibungan, Benguet, ayon sa National Bureau of Investigation (NBI).

Umabot sa 40,500 piraso ng fully grown marijuana ang nadiskubre sa 8,100 square meter na lupain sa nasabing lugar.

Ayon sa NBI, nalaman ang impormasyon tungkol sa Cannabis Sativa plantation mula sa mapagkakatiwalaang informant sa NBI-Cordillera Regional Office (NBI-CAR.

Nakahanda nang i-harvest at pwede nang ibenta ang mga ito, ayon sa NBI.

Bagamat walang inabutan at naarestong mga cultivators/growers, ipinagpatuloy ang pag-dokumento at pagsira sa mga tanim na marijuana.

AUTHOR PROFILE