Drugs Nagsasagawa ng inventory report ang mga ahente ng PDEA pagkatapos na makasabat ng mahigit 20 kilo ng shabu sa General Trias City sa Cavite. Kuha ni Dennis Abrina

P544M shabu nalambat sa Cavite drug busts

June 2, 2022 Dennis Abrina 319 views

GENERAL TRIAS CITY, Cavite – Aabot sa mahigit kumulang sa 80 kilos ng shabu at aabot sa mahigit sa kalahating bilyong pisong ang halaga ang nasabat ng pulisya sa dalawang magkasunod na anti-drug operations sa mga lungsod ng Dasmariñas at General Trias sa Cavite kahapon ng umaga, Hunyo 2, 2022. Arestado ang limang suspek, kabilang ang mag-ama sa Dasmariñas na pawang mga “big time” pushers at supplier ng shabu hindi lang sa lalawigan ng Cavite, kundi sa mga karatig probinsiya at lugar sa NCR (National Capital Region).

AUTHOR PROFILE