Shabu

P4.08M shabu nasabat sa 3 suspek sa Negros Occ.

February 15, 2024 Alfred P. Dalizon 97 views

TINATAYANG P4.08 milyon na halaga ng shabu ang nakumpiska ng pulisya mula sa tatlong pinaghihinalaang drug suspek sa buy-bust sa Kabankalan City, Negros Occidental noong Lunes.

Nakuha sa tatlong drug suspek na natimbog sa Hacienda San Lucas sa Brgy. Hilamonan dakong alas-7:40 ng umaga.

Nakilala ang mga naaresto na sina alyas Mikel, 38; Hamid, 19; at Ayna, 35, mga residente ng Brgy. Sta. Elena.

Ayon kay Police Lieutenant Colonel Roberto Indiape Jr., hepe ng Kabankalan City Police, nahuli ang tatlo ng PNP Drug Enforcement Group Special Operations Unit 6.

Nakuha sa tatlo ang anim na sachets na may laman na 600 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P4.080 million.

Isang Mitsubishi Mirage na gamit ng mga suspects ang kinumpiska rin ng pulisya.

AUTHOR PROFILE