Default Thumbnail

P25M droga, timbog sa NAIA

October 15, 2023 Vic Reyes 385 views

Vic ReyesMABUTI na lang at sanay na ang mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) kung paano mabuko ang mga nakatagong kontrabando sa mga luggage at bagahe ng mga pasaherong paparating at papalabas ng bansa.

Kung hindi ay baka nailusot ng isang pasaherrong Malaysian national ang mga iligal na droga na nagkakahalaga ng mahigit na P25 milyon.

Ang mga droga ay nakatago sa lining ng luggage ng Malaysian national na inaresto ng mga otoridad sa Port of NAIA na pinamumunuan ni District Collector Yasmin O. Mapa.

Ang suspek ay dumating sa NAIA sakay ng Ethiopian Airlines Flight ET 644 na galing ng Madagascar via Addis Ababa.

Pagkatapos na idaan sa rigorous screening ang luggage ng suspek ay napag-alamang naglalaman pala ito ng 3.722 kilograms ng Methamphetamine Hyrochloride.

Ang Malaysian national ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Drugs Pinapurihan na Act at RA No. 10863 (Customs Modernization and Tariff Act).

Pinapurihan naman ni Commissioner Bienvenido Y. Rubio ang mga opisyal at tauhan ng Port of NAIA dahil sa kanilang dedikasyon sa trabaho na nagre-resulta sa magandang performance.

Nagpasalamat din si Commissioner Rubio sa patuloy na pagtulong ng Philippine Drug Enforcement Agency at NAIA Inter-Agency Drug Interdiction Task Force sa BOC.

Malaki talaga ang naitutulong ng dalawang ahensyang ito sa kampanya ng gobyerno kaban sa illegal drugs.

Noong nakaraang buwan ng Setyembre ay dalawang Singaporean nationals ang inaresto din ng mga otoridad sa NAIA dahil sa pagdadala ng cocaine.

Ang dalawang suspek, na galing ng Doha, Qatar, ay nahulihan ng cocaine na nagkakahalaga ng mahigit na P76 milyon.

Pag-upo pa lang ni Pangulong Ferdinand “Bongbong ” Marcos Jr.sa Malakanyang noong nakaraang taon ay kaagad na iniutos sa BOC na lalong paigtingin ang kampanya laban sa ismagling.

Lalo na ang ismagling ng illegal drugs at produktong agrikultura na nagpapahirap sa taumbayan,

Mabuti naman at tulong-tulong ang mga ahensya ng gobyerno, sa pangunguna ng BOC, para matigil na ang pagpupuslit ng mga kontrabando sa Pilipinas.

****

Kamakailan ay nakakumpiska ang Bureau of Customs (BOC) sa Port of Limay sa Bataan ng smuggled fuel sakay ng isang tanker.

Ang tanker, na naglalaman ng 40,000 liters of unmarked fuel, ay nasa kustodya na rin ng mga otoridad pagkatapos na masabat ito sa isang checkpoint.

Ang unmarked fuel ay nagkakahalaga ng P2.4 milyon, ayon sa Port of Limay na pinamumunuan ni acting District Collector Guillermo Pedro A. Francia.

Sinabi pa ni Collector Francia na hindi lang ang produkto kundi pati na ang mga behikulong nagdadala ng kontrabando ang mawawala sa buyers ng mga unmarked fuel.

Ang fuel marking program ng gobyerno ay naglalayong matigil o mabawasan man lang ang oil smuggling sa bansa.

Ang mga walang markang produktong petrolyo ay nangangahulugang hindi ito binayaran ng buwis.

Kaya regular na nagsasagawa ng BOC ng inspeksyon sa mga imbakan ng mga produktong ito para masigurado na walang itinitinda sa merkado na smuggled fuel.

***

Sa Huwebes, Oktubre 19, ay simula na ng official campaign period para sa October 30 Barangay and Sangguniang Kabataang Election (BSKE).

Ang ibig sabihin nito ay parang may pista na naman sa buong bansa dahil marami sa mga residente ng 42,046 barangays ay mga “election-crazy people.”

Lahat gustong makialam sa darating na dalawang halalan na tinatawag na non-partisan dahil hindi puwedeng makialam ang mga politiko at political parties.

Pero “public knowledge” na nakikialam ang mga politiko, lalo na ang mga lokal na lider, sa BSKE.

Kasi alam nilang malaki ang maitutulong ng mga barangay at SK officials pagdating ng May 2025 national and local elections.

Kaya dapat lalong higpitan ng Commission on Elections (COMELEC) ang pagpapatupad ng mga election laws, rules and regulations hindi lang sa mga syudad kundi sa buong bansa.

Ito ay para matigil na ang tinatawag na vote-buying at vote-selling na pangunahing dahilan ng pagdami ng mga walang silbing barangay at SK officials.

Hindi ba, Comelec Chairman George Erwin Garcia at DILG Secretary Benhur Abalos?

(Para sa inyong komento at suhestiyon, tumawag o mag-text sa #0917-8624484/email:[email protected]. Ilagay lang ang buong pangalan at tirahan.)

AUTHOR PROFILE