Default Thumbnail

P230K pekeng sigarilyo nasabat sa Dapitan

November 10, 2022 Jun I. Legaspi 274 views

AABOT sa P230,000 halaga ng mga smuggled na sigarilyo ang nasakote ng pinagsanib na pwersa ng Philippine Port Authority (PPA), Philippine Coast Guard (PCG) at Philippine National Police-Martime Group (PNP-MG) sa Dapitan Port, Miyerkules, Nobyembre 9, 2022, ayon sa mga awtoridad.

Nasa sampung kahon na naglalaman ng 50 reams bawat isa ang matagumpay na nasamsam sa nasabing operasyon bukod pa ang nasa 121 reams ng iba’t-ibang kulay ng sigarilyong kasama rin ng mga ito.

Ang nasabing kargamento ay natagpuan sa compartment ng isang bus patungong Dumaguete City na nakatakdang tumawid sa pantalan sa pamamagitan ng MV Fastcat M9.

Ito ang ikalawang insidente na nahuli ng pinagsamang pwersa ng PPA, PCG at PNP-MG ang tangkang pagpuslit ng hindi dokumentadong sigarilyo ngayong buwan ng Nobyembre sa Dapitan Port.

Matatandaang nitong Nob. 6 ay nasabat din ang nasa 24 kahon na naglalaman ng 96 reams na hindi dokumentadong sigarilyo sa pantalan sakay ng isang van.

Sa kabuuan, nasa 38 na kahon na ang nasamsam na hindi dokumentadong sigarilyo sa Dapitan Port ngayong buwan.

Ang mga sangkot na indibidwal ay pansamantalang inilagay sa kustodiya ng PNP Maritime para sa kaukulang aksyon, habang agad namang na-turnover ang mga sigarilyo sa Bureau of Customs (BOC).

AUTHOR PROFILE