
Orig Viva babies nag-reunion sa ‘Sunny’
NAKUMPLETO sana ang original Viva babies kung kasama ang Cebu-based singer-actress na si Donna Cruz sa pelikulang “Sunny,” isang feel-good comedy-drama movie, Philippine adaptation ng hit Korean movie nung 2011 of same title.
Ang nasabing pelikula ay tinatampukan nina Vina Morales, Angelu de Leon, Candy Pangilinan, Katya Santos, Sunshine Dizon, Tanya Garcia at Ana Roces habang ang kanilang younger version when they were in high school ay sina Heaven Peralejo, Bea Binene, Ashley Diaz, Abby Bautista, Heart Ryan, Ashtine Olviga at Aubrey Caraan.
Kasama rin sa movie sina Joko Diaz, Marco Gallo, Jao Mapa, Xia Vigor at iba pa na sinulat ni Mel del Rosario mula sa pamamahala ni Jalz Zarate under Viva Films and Studio Viva.
Ang “Sunny” ay pangalan ng high school group nina Annie, Chona, Dang, Janet, Becky, Gwen at Sue na magkakaibigan, magkakasangga at nagdadamayan.
Vina Morales plays the role of Annie, married to a successful businessman played by Jao Mapa at anak naman nila ang spoiled brat na si Xia Vigor. Dumalaw si Annie sa kanyang ina na na naka-confine sa isang pagamutan nang makita niya ang pangalan ni Chona sa isang private door. Sensing na ito ang barkada niya nung high school days, pumasok siya at hindi nga siya nagkamali. Si Chona (played by Angelu de Leon/Bea Binene) ay isang successful businesswoman na may terminal cancer and had a few months to live. After catching up with each other, nag-request si Chona kay Annie na kung puwede silang mag-reunion ng kanilang Sunny barkada nung high school bago man lamang siya lumisan at nangako si Annie na ito’y kanyang tutuparin. Sa tulong ng social media, isa-isang na-trace ni Annie ang iba nilang high school buddies na may iba’t ibang katayuan at struggle sa buhay. Successful ang naging buhay ni Gwen (Sunshine Dizon/Ashtine Olviga) pero babaero ang kanyang mister. Miserable ang naging buhay ni Janet (Tanya Garcia/Ashley Diaz) gayundin si Becky (Katya Santos/Heart Ryan) habang si Sue (Ana Roces/Aubrey Caraan) ang model sa grupo. Si Dang (Candy Pangilinan/Abby Bautista) ay isang insurance broker na hindi umaabot sa quota.
Pero si Sue ang pinakamahirap i-track down at dumating lamang ito sa burol mismo ni Chona kaya na-kumpleto pa rin sila. During the wake, dumating ang lawyer ni Chona kung saan binasa ni Annie ang kanyang mensahe para sa mga kaibigan at inilahad din ng abogado na lahat sila ay iniwanan ng mana ni Chona bagay na ikinagulat ng lahat. Binilhan ni Chona ng insurance ang kanyang mga kaibigan para umabot sa sales quota si Dang. Si Becky ay iniwanan niya ng matitirahan kasama ang anak at trabahong mapapasukan gayundin si Janet.
Ang ipinakitang tunay na pagkakaibigan through ups and downs hanggang sa huli ang magandang mensahe ng pelikula which hits the movie screens nationwide simula sa araw na ito ng Miyerkules, April 10.
“Sunny” the original Korean version was No. 2 sa box office nung taong 2011 when the movie was shown.
Serena tanging ina na
ISA nang ganap na ina ang dating Kapamilya child star, ang 33-year-old na si Serena Dalrymple matapos nitong isilang a couple of days ago ang kanilang first baby na husband niyang French-American na si Thomas Bredillet whom she met in 2018 and married nung October 1, 2022
It was in 2005 when Serena retired from showbiz to pursue a different career path in the US. She returned in 2010 para lamang gawin ang pelikulang “Ang Tanging Ina Mo (Last Na`To)” sequel na pinagbidahan ng comedy queen na si Ai-Ai de las Alas pero agad din siyang bumalik ng Amerika.
Si Serena ay isang Fil-Am at ulila nang lubos sa kanyang mga magulang. Her mother was from Cebu habang ang kanyang namayapang ama ay isang American. She has two elder sisters na sina Sarah at Samantha na pareho na ring nasa Amerika ahead of her.
She met Thomas in 2018, got engaged in 2021 at sila’y nagpakasal nung 2022. Si Serena ay nagtatrabaho bilang program manager ng isang financial software company in New Hampshire, USA kung saan sila naka-base ng kanyang mister. Bukod sa kanilang first baby, ang mag-asawang Serena at Thomas ay may dalawang fur babies na isang golden retriever at Siberian husky dogs.
Si Serena ay na-discover matapos itong mapanood sa isang hit TV commercial with Aga Muhlach ng isang popular food chain. Siya’y nagsimula bilang child star at isa sa kanyang memorable movies ay ang 1998 comedy-drama movie na “Bata, Bata…Pa’no Ka Ginawa” na nagbigay sa kanya ng grand slam win mula sa Gawad Urian, FAMAS, Star Awards, FAP Awards at Young Critics Circle. Ang nasabing pelikula ay tinampukan nina Vilma Santos, Ariel Rivera, Albert Martinez kasama sina Carlo Aquino, Raymond Bagatsing at iba pa na pinamahalaan ng premyadong director na si Chito Rono.
Bukod sa “Bata, Bata ….Pa’no Ka Ginawa,” kasama rin si Serena sa movie series ng “Ang Tanging Ina Mo” ni Ai-Ai de las Alas under Star Cinema na pinamahalaan ng yumaong si Wenn Deramas at iba pang pelikula at TV series.
Samantala, kung si Serena ang unang celebrity na nagsilang ng baby this year, other preggy and expectant moms in showbiz include Maja Salvador, Yasmien Kurdi (her second), Maxine Medina, Sheena Halili (her second) among others.
GMA at ABS-CBN parehong panalo
ALTHOUGH malaking advantage ang airing ng ABS-CBN’s noontime program na “It’s Showtime” on GMA, malaking bentahe rin ito sa Kapuao Network dahil meron silang panibagong outlet (for promotions) sa kanilang mga Kapuso and Sparkle talents na malayang makakapag-guest sa long-running and top-rating noontime show. It’s actually a win-win solutions for the two formerly `warring’ major TV networks dahil pareho silang nagkakatulungan ngayon.
Sa ginawang alyansa sa pagitan ng ABS-CBN at GMA ay totally nawala ang `giyera’ sa kanilang pagitan na may kinalaman sa ratings supremacy ng dalawang giant TV networks.
Dahil sa kawalan ng broadcast network ng ABS-CBN nang sila’y mawalan ng franchise nung May 5, 2020 matapos silang pagkaitan ng Kongreso nung panahon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, wala silang ibang choice kundi ang sumakay sa free broadcast ng iba TV networks tulad ng GMA, GTV, TV5 at A2Z (Zoe Channel). Pero patuloy pa rin umaasa ang maraming manonood na loyal sa Kapamilya na sana’y maibalik ang prangkisa sa kanila ngayong iba na ang namumuno sa bansa.
Ang pagkawala ng prangkisa ng ABS-CBN ay nagdulot ng pagkawala ng libu-libong trabaho sa mga empleyado, talents at iba pang may koneksyon sa operation ng dating nangungunang TV and radio network ng Pilipinas. Nawalan din ng giya ang Bantay Bata Foundation maging ang iba pang paraan ng pagtulong ng TV network sa mga nangangailangan laluna sa oras ng sakuna.
Isa kami sa milyung-milyong Pilipino sa nakikiisa sa layuning maibalik ang prangkisa ng ABS-CBN na malaki ang naitutulong sa publiko in terms of entertainment and public service. But seeing the big bosses and talents of ABS-CBN and GMA in one frame ay nakakatuwang tingnan sa magandang development sa ating local TV industry.
SUBSCRIBE, like, SHARE and hit the bell icon of “TicTALK with Aster Amoyo” and “INSIDE SHOWBIZ with Aster Amoyo” on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and X@aster_amoyo.