Zsara Larawan mula sa IG/Zsara Laxamana

Open wider, please

August 30, 2024 People's Tonight 334 views

KUNG siya ba ang magiging private tutor mo, a-absent ka pa ba sa session?

Tila naging masunurin nga na parang mga estudyante sa isang tutoring class ang mga kelot nang masulyapan nila ang isang Instagram post ng Vivamax actress na si Zsara Laxamana

“Magaling magturo si Teacher Joy,” hirit nito sa caption ng kanyang post.

Bet ngang maturuan sa ibang paraan ng mga kalahi ni Adan basta si Zsara ang magtuturo sa kanila ng subject.

Sa isang behind the scenes na video na ibinida niya, mapapanood na hindi nga lang si Zsara ang nag-hello sa klase, dahil maging ang juicy dyoga ng bebot ay nangamusta rin sa post niya dahil sa outfit niyang hapit at labas na bra ng bebot.

Mukhang sa recitation ay iba ang tatayo sa mga barako kapag si ma’am na ang nagtawag sa kanila, dahil legs pa lang niya, may sagot na sila.

Sumirit nga ang sex appeal ni Zsara sa ibinanderang tutor look nito. Grabehan ang karisma ng sexy star kaya nga napa-“smoking hot” sa kanya ang mga netizens.

Pinagpawisan hindi dahil sa kaba ang mga estudyante ni Zsara sa comment section, kundi dahil sa pagiging hot teacher niya.

“Di na ‘ko a-absent ‘pag ito yung teacher ko,” banat pa ng isang netizen.

Tampok nga si Zsara sa kalalabas pa lang na Vivamax original film na “Private Tutor” sa direksyon ni Ryan Evangelista. Nakasama ng sexy star ang iba pang bituin ng Vivamax na sina Christy Imperial, Mark Dionisio, at VJ Vera.

Bukod pa rito, naitampok na rin sa ilang mga proyekto si Zsara, kabilang na rito ang Sugar Baby (2023), Salisihan (2024) at Dearly Beloved (2024).

AUTHOR PROFILE