Patikim ni Kim
TALAGANG mabibitin ang mga kelot sa inihaing patikim ng aktres na si Kim Domingo.
Tukso sa para sa kanila ang pag-display na patakam ng aktres sa isang Instagram post nito.
“Good morning,” pagbati niya sa caption.
Hindi mukha ang naging bida sa mirror selfies na inilabas ni Kim kundi ang kanyang pamatay na wangkata. Walang-habas niyang pinainit ang social media sa pamamagitan ng ilang larawan.
Nakakapatid ng uhaw ang kaseksihan ni Kim sa suot niyang two-piece underwear.
Bubulaga sa lahat ng bibisita sa kanyang page ang naglulusugang mga melon ni Kim. Lumuwa ang mga mata ng male fans sa luwang-luwa niyang pa-cleavage.
Tila isang putaheng sarap na sarap lantakan ng mga barako ang inihaing patakam ng “Batang Quiapo” actress dahil sa kanyang masisipat na perpektong hubog.
Malinaw sa repleksyon ng salamin na walang bahid ng kahit anong kamot o kadiliman ang katawan ni Kim.
Patok na naman sa zoom in ang kumaway na sexy pata niya. Pati ang sizzling abs ni Kim, tila apoy na nakakapaso sa dala nitong hotness.
Inulan ng papuri ang bumulwak na alindog sa nasabing post ni Julia. Iba’t ibang komento mula sa netizens ang nagpaliyab pa lalo sa kanyang comment section.
Hirit pa nga ng isa sa kanila, “Akala ko ba tag-ulan na, eh bakit ang init pa rin? My gashhhh!”