School

Old school calendar target ipatupad sa ’25

May 6, 2024 Chona Yu 112 views

APRUBADO ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang panukalang ibalik sa lumang school calendar ang simula ng pasukan ng mga estudyante.

Sa ambush interview sa Pasay City, umaasa si Pangulong Marcos na maibabalik ang lumang school calendar sa susunod na taon.

“Hopefully by next year, yes, matatapos na,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sa kasalukuyang school calendar, Hunyo at Hulyo ang bakasyon ng mga estudyante.

Balak na ibalik ng Department of Education sa Abril at Mayo ang bakasyon ng mga estudyante.

Ilang eskwelehan na ang nagkansela ng klase dahil sa sobrang init ng panahon dulot ng El Nino.

“Of course hiningi ko yan sa DepEd and I asked Inday Sara to give me already a concrete plan because mukha naman hindi na tayo kailangan mag-antay pa at mukha namang kailangan na, at I don’t see any objections really from anyone especially with the El Niño being what it is.

Everyday (when) you turn on the news face-to-face classes are canceled, face-to-face classes have been postponed etc,” pahayag ni Pangulong Marcos.

“So talagang kailangan na kailangan na. So yes, that’s part of the plan that were trying to do to bring it back to the old schedule.

I think it would be better for the kids,” pahayag ni Pangulong Marcos.

AUTHOR PROFILE