Ogie

Ogie magpapaka-Elton John

October 30, 2024 Ian F. Fariñas 229 views

MAGPAPAKA-ELTON John ang singer-songwriter na si Ogie Alcasid sa balak na pakikipag-collab sa mga mas batang henerasyon ng OPM artists gaya ng BINI.

Nakatakda nilang i-record ang kantang “Sige, Galaw-Galaw” sa susunod na taon.

Anang OPM icon sa “Ogieoke 2 Reimagined” mediacon na ginanap kamakailan sa Kamuning Bakery Cafe, “Dapat ire-record na namin November. ’Di natuloy kasi biglang nag-Araneta. So busy sila at nakiusap sila kung puwede next year. Wala namang problema. Next year, all-new album, puro collab. Nasulat ko na lahat.”

Guests din ni Ogie ang tinaguriang Nation’s Girl Group na sina Jhoanna, Maloi, Gwen, Colet, Stacey, Mikha, Sheena at Aiah sa “Ogieoke 2 Reimagined” na gaganapin sa Newport Performing Arts Theatre sa November 30.

“Nang tinanong ko puwede ba kayo mag-guest, walang kaabog-abog. They said they’ll adjust. And ang dali nila kausap. Maloi will be singing one of my songs,” sabi ni Ogie.

Aminado ang mister ni Regine Velasquez na mas kilala na siya ng mga kabataan ngayon bilang parte ng “It’s Showtime.”

“But my older songs, ‘di na nila kilala ‘yon, ‘di ba? Kinakanta ng tito nila ’yung ‘Bakit Ngayon Ka Lang.” Kinakanta ng tatay nila ‘yung ‘Nandito Ako.’ That’s it. Medyo ’di na nila naririnig ‘yan.

That’s why I came up with the reimagined version of the songs,” diin ni Ogie.

Uso nga raw ang ganito worldwide. Ibinigay nga niyang halimbawa ang sikat na international singer na si Elton John na recently lang ay gumawa ng collab album kasama sina Dua Lipa, Charlie Puth, atbp.

Ayon kay Ogie, “You know, someone as iconic as Elton John did an entire album full of collabs na ang ganda, na-inspire ako du’n. Sabi ko, if someone like Elton John did something like that, ‘di ba, why not me? So, you know, du’n ko lang napulot ‘yung idea.”

Dagdag niya, bagong arrangement ng old hits niya ang mapapakinggan ng audience sa “Ogieoke 2 Reimagined” at dadalhin niya ang piano ng ginamit niya sa “Magpasikat” portion ng “It’s Showtime” sa Newport Performing Arts Theatre.

“Super excited ako, na-miss ko mag-perform… When I was younger, those songs were emotional. But now that I’m older, it is time to have fun with the old songs. It is time to have fun,” giit ni Ogie.

Maliban sa BINI, tampok din sina JM dela Cerna at Marielle Montellano bilang guests sa “Ogieoke 2 Reimagined.”

AUTHOR PROFILE