
OFW PARTY LIST PUSHES FOR OFW-RESPONSIVE 2024 BUDGET
MISMONG si OFW Party List Representative Marissa “Del Mar” Magsino ang nanguna sa sa deliberasyon ng 2024 budget ng Department of Migrant Workers (DMW) at iba pang ahensiya ng pamahalaan upang matiyak na maibigay ang nararapat sa mga kababayang Overseas Filipino Workers (OFWs) at kanilang pamilya.
Mula buwan ng Agosto hanggang September 2023, si Magsino ay nagpursiging daluhan ang consultations at deliberations sa budget ng 22 line departments, government-owned and controlled corporations, constitutional bodies, and other executive offices.
“As the lone representative of the OFW sector in the House of Representatives, it is incumbent upon me to ensure that the needs and rights of our OFWs remain at the forefront of government priorities, especially in the national budget,” ani Magsino.
“Ang OFWs ang mga tinaguriang bida ng ating bayan at dapat ay star treatment tayo sa kanila sa alokasyon ng mga ahensya at sa mga programang ipapatupad gamit ang kaban ng bayan,” sabi pa ng kongresista.
Walang sınayan na oras ang mambabatas upang mabusisi ang performance ng bawat ahensiya.
Bukod sa DMW, tinutukan din ni Magsino ang polisiya at budgetary concerns ng Bureau of Immigration (BI), Department of Interior and Local Government (DILG), Civil Service Commission (CSC), Department of Information and Communications Technology (DICT), at Department of Transportation (DOTr).
Kinastigo ni Magsino ang BI dahil mula sa bilang na 32,404 Filipino passengers na na-off-loaded noong nakaraang taon ay 472 lamang ang kumpirmadong biktima ng human trafficking or illegal recruitment.
“This shows the unjustified and excessive use of BI’s power to offload Filipino travelers, including OFWs,” sabi pa niya.
Nanawagan naman si Magsino sa DILG upang imbestigahan sa pamamagitan ng Seasonal Workers Program kung saan ay ilang OFWs ang ipinadadala sa Republic of Korea para magtrabaho bilang mga ‘seasonal agricultural workers.’
Nangangamba si Magsino sa dumaraming bilang ng pang-aabuso rito na ang iba ay overworked, under pay, walang maayos na pagkain at hindi magandang pagtrato ng mga among Korean at marami pang iba.
Maging ang DICT ay hindi pinalagpas ni Magsino upang tanungin ang Spectrum User’s Fund sa ilalim ng RA 10929 dahil hindi naipatutupad ang pangakong Free Public Internet Access Program sa bansa na malaking bagay sa pamilya ng OFWs na nangungulila sa kanilang pamilya.
“Sa makabagong mundo na ating ginagalawan, dapat sumasabay ang progreso ng teknolohiya sa ating bansa. Pero ang datos ay nagpapakita na nahuhuli tayo sa ICT performance sa ating Southeast Asian neighbors at 17.7 percent lamang ng mga households sa bansa ang may internet access. Napakahalaga pa naman ng internet access sa mga pamilyang OFWs dahil ito ang pangunahing komunikasyon sa kanilang migranteng kapamilya at tulay sa lungkot ng pagkawalay sa isa’t isa,” saad pa ni Magsino.
Marami rin dapat ipaliwanag ang DOTr dahil naman sa kabiguang matugunan ang mga sumbong at hinaing ng mga pasahero ng ereplano, partikular na sa delayed, canceled flights; over booking, lost baggage at marami pang isyu są pambansang pamiparan.
Pinagpapaliwanag ng mambabatas ang DOTr kung ano ang kanilang plano para maresolba naman ang problema sa air traffic control glitches, power outages, at airspace closures.
Pinaninindigan ni Magsino na dapat suportahan ang pagbili ng mga makabagong kagamitan sa ating mga paliparan para maiwasan na ang mga ganitong uri ng problema.
“The power outages and glitches at NAIA from January to May in 2023 affected OFWs who already had jobs waiting for them or return to work orders, but were unable to depart on time due to the glitches,” wika pa niya.
Maging ang Civil Service Commission (CSC) ay kinalampag din ni Rep. Magsino dahil marami pa rin ang puwesto sa pamahalaan ang hindi napupunan. Marami ring empleyado sa pamahalaan ang walang permanenteng posisyon at sa halip ay mga job orders at contractual lamang.
“Nakakalungkot lang na sa pagliit ng budget ng DMW, malilimitahan din ang programa ng DMW para sa ating mga OFWs. Kung sino pa ang malaki ang kontribusyon sa ating ekonomiya, sila pa itong kukulangin sa kalinga at proteksyon ng pamahalaan,” pagtatapos pa ng nag-iisang representatie ng OFW sa 19th Congress.