Default Thumbnail

Obrero tigok, 4 pa sugatan sa gumuhong adobe

October 14, 2023 Jojo C. Magsombol 173 views

ISANG trabahador ang namatay at apat ang malubhang nasugatan nang matabunan ng gumuhong mga adobe sa Block 5, Lot 13 Oakwood St., Partridge, Brgy. Sta Cruz, Antipolo City, Rizal, Biyernes ng hapon.

Nagtatrabaho sa ginagawang establisyemento sa nasabing lugar ang namatay at apat na sugatan, ayon sa Antipolo City Police.

Naganap ang pagguho bandang 2:30 ng hapon, ayon din sa mga pulis.

Natabunan ang limang trabahador pero minalas ang isa sa kanila kaya hindi nakaligtas.

Dinala ang nasawi sa Bgy. Mambugan Annex IV, Antipolo City na agad Idineklarang dead-on-arrival ng attending physician na si Dr. Jose Ma. Joaquin Buñag.

Dinala sa parehong ospital ang tatlo sa sugatan habang sa East Avenue Medical Center, Quezon City isinugod ang ikaapat na sugatan.

AUTHOR PROFILE