
No Registration, No Travel Policy ng LTO!
NAPAPANAHON ang pagpapaigting ng Land Transportation Office (LTO) hinggil sa kampanya na ‘No Registration, No Travel Policy!’
Una, palala nang palala ang pagsikip ng trapiko sa mga kalsada.
Ikalawa, dahil sa dumaraming bilang ng mga sasakyan, kahit maliliit ng sulok ng barangay ay nagsisikip na rin ang daloy ng trapiko ngayon.
Madalas nga, dahil wala ring garahe ang ibang vehicle owners, sa mga kalsada na rin sila pumaparada kaya nakakadagdag trapik din siłą lalo są maliliit na kalsada.
Iba’t ibang experiment na ang ginagawa ng pamahalaan para mabigyang solusyon ang matinding problema sa trapik na may malaking impak din sa ating ekonomya.
Tunay na kailangan ng isang komprehensibong plano para masugpo ang malalang problema ng trapik są bansa.
Magagawa ito sa tulong ng iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at tulong na rin ng ating mga kababayan, motorista man sila, vendors, manggagawa, estudyante at kahit mga malalaki’t maliliit na negosyante.
Ayon sa datos ng ating pamahalaan, umaabot sa P37 billion ang nawawala sa gobyerno dahil sa mga pasaway na motorista na ayaw irehistro ang kanilang mga sasakyan.
Malaking pera ito para sana magamit sa maayos sa pagmamantini ng maayos na daloy ng trapiko.
Dahil dito, inilunsad ni LTO chief, i Atty. Vigor D. Mendoza II ang mahigpit na pagpapatupad ng ‘No Registration, No Travel Policy!’
Layunin nito na mabawasan ang bilang ng mga delingkwenteng behikulo na umaabot na sa ngayon sa 24.7 million o katumbas ng 65% ng mga sasakyan.
Sinabi ni Mendoza na babala rin ito sa mga vehicle owners na may mga expired registration na magparehistro dahil kung hindi ay haharap sila sa multa o posible pang ma-impound ang kanilang mga sasakyan.
Sinabi ni Mendoza na ang patuloy na pagbiyahe ng mga ‘unregistered vehicle sa kalsada’ ay nagdudulot ng panganib sa iba pang road users.
Kaya pagbibigay diin pa niya na hindi dapat mag-aksaya ng panahon ang mga motorista at agad nang irenew ang rehistro ng kanialng mga sasakyan.
Dahil sa impormasyong ito, bigla akong napaisip na hindi lamang pala sa mga public vehicles may colorum na sasakyan kundi marami rin pala nito sa mga pribadong behikulo.
Tama ang sinabi ni Asec. Mendoza na ang regular na pagpaparehistro ng mga sasakyan na isinasailalim sa inspeksyon ay nakatitiyak na nasa maayos na kondisyon ang mga behikulo na dumaraan sa mga kalsada at hindi panganib sa mga tao.
Kaya naman dapat tumugon ang mga kapwa ko motorista sa panawagan ito ng LTO dahil ito ay para sa lahat at kaligtasan nating lahat.
Umaasa rin tayong sa mga susunod na araw o buwan ay ilunsad na rin ng tanggapan ni Vigor ang pagkakaroon ng online car registration ng LTO.
Alam kong mangyayari iyan dahil nasa maayos na direksiyon ngayon ang LTO na dating kilala bilang pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan, pero hindi na ngayon dahil kay Atty. Vigor Mendoza.