
Ni-level up ang sarap
TILA ni-level up ng Vivamax actress na si Erika Balagtas ang salitang sarap dahil sa nagliliyab nitong alindog.
Hanep kasi magpatakam ang sexy star sa mga ibinahagi niyang mga larawan sa latest Instagram post niya.
Makikita sa nasabing post ang hot actress na todo-awra sa suot niyang floral na two-piece swimsuit. Apaw ang sex appeal nito sa kanyang perpektong kurba.
Mala-gatas sa lambot at kaputian ang balat ni Erika. Makinis na makinis ang kanyang wetpaks.
Tila ayaw ngang kumalma ng mga barako sa kanyang comment section. Sino ba naman ang aayaw sa kariktan at hubog ni Erika kapag tikiman na ang pinag-uusapan.
Inulan ng samu’t saring reaksyon mula sa netizens ang nasabing larawan ni Erika. Tila nalunod sa heart at fire emojis ang ibinanderang hot body ng aktres.
Nakilala si Erika sa kanyang mga pagganap sa ilang palabas kabilang na ang Creak (2023) at Star Dancer (2023). Siya rin ay isang cadet pilot na nag-training sa All Asia Aviation Academy.