
New look ni Ruffa kinuyog ng ibang celebrities
IBINANDERA ng actress at former beauty queen na si Ruffa Gutierrez ang kanyang pinaka bagong look kung saan hindi napigilan ng ilang kapwa celebrities niya na magbigay reaksyon.
Sa Instagram page ni Ruffa, ibinahagi niya ang mga larawan na todo awra siya habang suot ang isang gold dress at mga accessories mula sa isang luxurious brand.
Agad na pinusuan ng netizens ang look ng aktres at maging ang ilang celebrities ay nagbigay ng kani-kanilang reaksyon sa mga larawan ni Ruffa.
Ilan sa mga celebrities na nagkomento sa post ng former beauty queen ay sina Sunshine Cruz, Jinkee Pacquiao, Nicole Cordoves, Marjorie Barretto, Karla Estrada, Vina Morales, at Chie Filomeno.
Jinkee Pacquiao: Love the hair! Bagay na bagay!
Chie Filomeno: Wooooow
Marjorie Barretto: Beautiful!!!
Vina Morales: Beautiful ruffie