NEW COVERED COURT
Mismong si Bataan Gov. Joet Garcia (gitna), Vice Gov. Cris Garcia at Congw. Gila Garcia ang nag-inaugurate at nag-turnover ng bagong covered court ng Dinalupihan sa Brgy. Bayan Bayanan sa lokal na pamahalaang bayan. Inisyatibo ni Cong. Gila sa pakikipagtulungan ng Department of Public Works and Highways at E.R. Venzon Construction ang nasabing proyekto para magkaroon ng maayos na pagdarausan ng mga gawain, programa at okasyon ang naturang lugar. Kuha ni Christian Supnad