Rosemar Larawan: Rosmar Tan/IG

Netizens napa-wow sa P13M kita ni Rosmar sa isang araw

November 28, 2023 People's Tonight 651 views

Napa-sana ol na lang ang netizens nang i-reveal ng social media personality at negosyanteng si Rosmar Tan-Pamulaklakin ang halaga ng kanyang kinikita mula sa kanyang negosyo, kasabay ang pagiging content creator.

Sa pinakabagong episode ng “Toni Talks” nitong Nob. 26, inusisa ni Toni Gonzaga si Rosmar tungkol sa mga umiikot na usap-usapan tungkol sa kaniya.

“May tsismis sa akin si Alex, kumikita ka daw ng ₱5M a day. May ganoon?” tanong ni Toni kay Rosmar.

Sinagot naman ito ni Rosmar at sinabing ang ganitong halaga ay noong panahong mahina pa lamang ang kanyang negosyo at hindi pa ganoon kalaki ang kinikita sa content creation.

Nabigla si Toni sa sagot na ito ni Rosmar. “Magkano ‘yung pinakamalakas?” tanong ni Toni.

“May time po na kasagsagan na sobra-sobrang lakas po, pumapalo po minsan ng 13, gano’n, 10-13,” sey ni Rosmar.

“Million? Isang araw?” tanong ni Toni upang makumpirma.

“Opo, pero kasama po doon ‘yung puhunan,” paglilinaw naman ni Rosmar.

Dagdag pa niya, hindi na niya alam kung ilan na nga ba ang bilang ng mga sports car na nabili niya kamakailan.

AUTHOR PROFILE