
Natutulog na Mangyan sa Batangas pisak sa truck
DEAD on the spot matapos mapisak ng truck ang isang di-kilalang Mangyan na natutulog sa harap ng isang gusali sa Bgy. Taysan, San Jose, Batangas.
Ayon sa inisyal na imbestigasyon, isang Sinotruk garbage truck (NID 4984) na minamaneho ng di kilalang driver ang aksidenteng nahagip ng international boom truck (PET 293) na minamaneho ng isang 49-anyos mister, residente ng B24 Navarro Compound, Muntinlupa Cit, na umano’ y patungo sa Lipa City, Batangas, bandang 5:50 a.m. ng December 18, 2023.
Dala sa impak ng bangga, nagpatuloy ang pagtakbo ng garbage truck at tumama sa natutulong na Mangyan.
Ang driver ay garbage truck ay bumaba ng sasakyan at tumakas umano.
Ang nasawing Mangyan ay dinala sa San Jose District Hospital para ma-otopsiya.