Default Thumbnail

Natodas sa Paco accident 2 hindi 3–MPD

November 20, 2023 Jonjon Reyes 136 views

NILINAW ng Manila Police District (MPD) na dalawa at hindi tatlo ang patay sa banggaan ng mga sasakyan noong Linggo sa Paco, Maynila.

Sa erratum report ng MPD-Traffic Enforcement Unit, ang tricycle driver, 42, at kanyang 46-anyos na pasahero, na mga taga Pandacan, Maynila, ang namatay sa aksidente.

Sugatan lang at hindi natodas ang motorcycle rider, 35, na taga-Quezon City.

Ayon sa report ng MPD-TEU, nangyari ang aksidente sa westbound lane ng Paz Mendoza Guanzon St. sa harap ng Mitsubishi Motors, Paco, Maynila ala-1:50 ng madaling araw noong Nob. 19.

Binabagtas ng driver ng pick-up (XLL 461) nang mabangga ng nag-counter flow na tricycle.

Nadamay sa aksidente ang motorsiklo na bumabagtas sa eastward ng Paz Guanzon St.

Dahil sa lakas ng impact, tumilapon ng ilang metro ang tricycle driver at angkas nito na naging dahilan ng kanilang kamatayan.

Naitakbo pa sa Philippine General Hospital ang tricycle driver pero idineklarang patay na bandang alas-3:05 ng umaga.

AUTHOR PROFILE