Default Thumbnail

Nasakoteng P50M halaga ng high-end cellular phones, itinago ng Customs sa media?

August 7, 2021 Marlon Purification 538 views

Marlon PurificationHUWAG na huwag talaga akong makarinig na corruption, [not] even a whiff or whisper. I will fire you or place you somewhere. Mamili kayo: ComVal [Compostela Valley] o Jolo!”

Palagi nating gagamitin ang katagang ito ng Pangulong Rodrigo Duterte bilang paalala sa lahat ng government officials and employees upang umiwas sila sa anumang uri ng anomalya sa kanilang ahensiya.

Sa pagkakataong ito, gusto nating manawagan kay Bureau of Customs (BOC) Commissioner Rey Guerrero dahil baka hindi niya namamalayan ang ginagawang kabalbalan ng ilan niyang tauhan.

Ayon sa source, noong March 12, 2021 ay naglabas ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) si Port of Manila District Collector Michael Angelo Vargas para sa isang shipment ng Waterwide Merchandising Corporation.

May impormasyon daw kasi ang Customs Intelligence and Investigation Services na ang paparating na 20-footer na container nito ay naglalaman ng misdeclared na earphones at microphones.

Ngunit nang buksan at suriin, nadiskubre na ang 209 boxes nito ay naglalaman ng mga high end na Oppo cellular phones na may kabuuang halaga na P50 million.

Ang nakapagtataka, hindi umano ito idineklara ng district collector sa media hanggang ngayon na isang malaking accomplishment sana.

Nakapagdududa rin dahil mula sa pangalan ng consignee na Federal Fortunes Worldwide Logistics Services Corporation na may BL No. 210110095623 ay napalitan na ito ng pangalan na Waterwide Merchandising Corporation.

Diumano, isang alyas Kimberly na minsan nang nasangkot sa drug shipment sa pantalan ang nasa likod ng tangkang pagpapalusot ng mamahaling cellular phones.

Ang catch, sa mga oras na ito ay niluluto na raw para ilabas ang naturang produkto sa halagang P25 million.

Para sa kaalaman ng lahat, bawal pong ilabas ang naturang mga kargamento dahil 100% na misdeclared ito.

Kaya sigurado tayong may gagawing aksiyon dito si Commissioner Guerrero.

Ayuda ni Senator Bong Go, binukol sa Caloocan?

Magandang development ang plano ng ilang kampo sa PDP-Laban na si Senador Bong Go ang tatakbo sa pagkapangulo at ang magiging bise-presidente nito ay si Pangulong Rodrigo Duterte.

Tuluy-tuloy naman kasi talaga ang ginagawang tulong ni SBG sa ating mga kababayan lalo na ang kanyang Malasakit Center na 130 na ngayon sa buong Pilipinas.

Labas pa riyan ang ginagawa niyang pagtulong sa iba pa nating mahirap na kababayan. Kaya nga sa South District ng Caloocan kamakailan ay namigay din ito ng tig-P5,000 bilang ayuda sa may 50 hangang 60 katao.

Nangyari ito noong nagdaang Huwebes, August 4, nang isa-isang papilahin at papirmahin ng DSWD form ang mga residente sa Bgy. 87 ng lungsod.

Okay na sana ang bigayan ng ayuda. Ang problema, sa halip na P5k, tig-P2,500 lang daw ang naipamigay sa mga taga-Caloocan.

Hindi tayo sigurado kung alam ba ito ni Barangay Chairman Edgar Anthony ‘Sugar’ Ocampo. Pero nasisiguro kong magagalit nang husto si Senator Bong Go sa pangyayaring ito.