Alex

NANAY ROLE, BET NI ALEX

December 21, 2023 Vinia Vivar 267 views

Kahit hindi pa nagiging nanay si Alessandra de Rossi in real life, nagustuhan niya agad ang kanyang role sa Metro Manila Film Festival 2023 entry na Firefly kung saan ay gumaganap siya bilang ina ng karakter ni child actor Euwenn Mikaell.

Aniya sa grand mediacon ng naturang pelikula, ang script talaga ang nakapagpa-oo sa kanya sa proyekto.

“Sobrang ganda ng kuwento, sabi ko nga para sa akin it’s something na ang tagal nang hindi nagagawa. Siguro dahil lahat tayo nalulunod sa comedy, romcom, wala na ‘yung mga pelikulang pambata. So, gusto kong gumawa ng ganu’ng pelikula. So, sabi ko, it’s the perfect time,” pahayag ni Alex.

Natanong ang aktres kung paano niya pinaghandaan ang kanyang role, aniya, wala siyang preparasyong ginawa.

“Hindi ako ma-prepare na tao. Kapag nasa shoot, iyon na yon. Kasi gusto ko naturally na ma-process ko sana ‘yung character ko. Wala na akong kailangang i-prepare,” sey ni Alex.

Excited na nga siyang malaman kung ano ang magiging reaksyon ng mga tao sa Firefly.

Wish niya na sana’y maraming tumangkilik sa pelikula gayundin sa iba pang entries sa MMFF 2023.

AUTHOR PROFILE