Posas1

Nagnenok sa bahay ng pulis tiklo

November 9, 2023 Jojo C. Magsombol 137 views

TIMBOG sa mga pulis ang isang suspek sa pagnanakaw sa bahay ng pulis dahil sa kuha ng closed circuit television (CCTV) sa Bgy. San Vicente, Sto. Tomas City, Batangas noong Martes.

Positibong kinilala ng biktimang si P/Cpl. Von Voltaire Terrenal, ng Regional Operations Division ng Sto. Tomas City Police at residente ng nasabing barangay, ang suspek na si alias Kengee, 35, ng Bgy. San Vicente,

Sa report ni Batangas Police Provincial Office Director Police Colonel Samson Belmonte kay Police Regional Office 4A (CALABARZON) chief Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas, dakong 8:20 ng gabi noong Nob. 7 ng nagtungo si P/Cpl. Terrenal sa himpilan ng pulisya ng Santo Tomas City para i-report ang pagnanakaw sa kanyang bahay bandang 12:28 ng tanghali.

Ayon sa report, nakuha sa CCTV na binasag ng suspek ang bintana ng bahay ni PCpl Terrenal para makapasok at limasin ang mahahalagang gamit na nagkakahalaga ng P40,000 at P60,000 cash.

Nahuli ang suspek sa follow-up operation ang Santo Tomas City Police Station.

“Habang papalapit ang kapaskuhan at napapadalas ang bakasyon ng ating mga mamamayan, lalong nagiging aktibo ang mga insidente ng pagnanakaw at panloloob ng mga tahanan.

Isang dagdag seguridad na maaari nating irekomenda ang pag-install ng gumagana at nakapag-re-record na CCTV,” sabi ni Belmonte.

AUTHOR PROFILE