Nadine

Nadine spotted kasama ang bagong BF

August 25, 2021 Aster Amoyo 2048 views

Nadine1IT was in January 2020 nang official na maghiwalay ang dating magkasintahang James Reid (28) at Nadine Lustre (27) after being together for over three years. Pero sa kabila nito ay nanatiling magkaibigan ang dalawa and continue to work together sa kanilang music with the former as record producer.

Since last month (July), may photos na lumalabas seeing Nadine with another guy in different occasions na pinaniniwalaang bagong pag-ibig ng singer, actress, dancer and celebrity endorser. The guy turned out to be the French-Filipino entrepreneur na si Christopher Bariou, co-founder ng online magazine called BE Siargao. He also owns a luxury resort in Siargao, ang Maison Bukana, maybe the reason kung bakit napapadalas ang singer-actress sa nasabing island kung saan madalas ang dalawa.

Although Nadine has yet to confirm the status of her relationship with Christopher, marami ang naniniwala na espesyal ang relasyon ng dalawa.

Samantala, malaki ang posibilidad na muling maging aktibo sa paggawa ng projects sa Viva si Nadine matapos na mag-desisyon ang korte na igalang ng huli ang kanyang kontrata (until 2029) sa kanyang home studio. It was in January 2020 when the singer-actress tried to terminate her contract with Viva Artists Agency through her legal counsel na si Atty. Lorna Kapunan pero pumalag ang Viva at ito’y naghain ng demanda against Nadine.

Sa kabila ng pagkakaroon ng legal battle between Nadine and Viva, bukas ang huli na ipagpatuloy ang kanilang obligasyon na bigyan ng proyekto ang singer-actress including product endorsements, recording and concerts.

Samantala, nang tanungin ang ex-boyfriend ni Nadine, ang ex-PBB big winner-turned singer-actor and record producer na si James Reid kung ano ang magiging reaction nito seeing his ex-girlfriend with a new boyfriend, sinabi lamang nito na gusto lamang daw niya na maging maligaya ang dating kasintahan. James has remained single since their break-up.

diegoDiego sunud-sunod ang projects

IT was in August 2020 nang lumagda ng talent management contract ang dating Star Magic actor na si Diego Loyzaga sa Viva after almost two years in hiatus.

Diego is now one of the busiest actors in town dahil sa sunud-sunod niyang movie project. He starred with Cristine Reyes in “Encounter” TV series on TV5, with AJ Raval in “Death of a Girlfriend” and a new movie streaming on Vivamax and other digital platforms on September 17, ang “Bekis On The Run” na pinagsasamahan nila nina Christian Bables, Kylie Verzosa at Sean de Guzman mula sa script ng premyadong veteran writer na si Ricky Lee at direksiyon ng award-winning director na si Joel Lamangan.

Samantala, parehong excited ang magkasintahang Diego at Barbie Imperial sa kanilang upcoming movie under Viva Films, ang “Patungong Tayo” mula sa panulat at direksiyon ni Fifth Solomon. This will be the first team-up of the young couple.

Inamin nina Diego at Barbie ang kanilang relasyon on New Year’s day this year.

Nadine2Dating karelasyon ni Ynez ikinasal sa beauty queen

MASAYA ang dating sexy star na si Ynez Veneracion (41) sa kanyang ex-boyfriend at ama ng kanyang 10-year-old daughter na si Princess Keilah del Rosario na si Esmael `Toto’ Mangundadatu, Maguindanao 2nd district representative na ikinasal kahapon, August 25 kay Sharifa Akeel, 2018 Miss Asia Pacific International sa isang Islam wedding na ginanap sa Al Nor Hotel & Convention Center sa Cotabato City.

Ayon sa actress, kahit matagal na silang wala ng kongresista ay nanatili umano silang magkaibigan at hindi umano ito nagpapabaya ng suporta sa kanilang anak na si Keilah.

Masaya din umano ang kongresista para kay Ynez na muling nakatagpo ng bagong mamahalin na si Julius Recto (27) na siyang ama ng kanyang bagong silang na anak na si Jianna Kyler.

Inamin ni Ynez na inalok din umano siya ng kasal noon ng dating governor ng Maguindanao pero hindi niya umano matanggap na pang-apat siyang asawa at nakatanggap pa siya ng pagbabanta mula sa ikatlong wife.

Ynez is now a mother of two daughters na sina Keilah at baby Kyler.

Nadine3Angeline gustong magkaroon ng concert sa MET

SAYANG at wala na ang star builder at Master Showman na si German `Kuya Germs’ Moreno sa muling pagbubukas ng isa sa mga landmark ng Maynila, ang Metropolitan Theater sa darating na December 2021.

Adbokasiya noon ang namayapang actor-comedian-TV host ang muling pagbubukas ng Metropolitan Theater na naging tahanan noon ng mga classic plus and orchestras.

Designed by Architect Juan M. Arellano, ang MET was inaugurated in 1931, bahagya itong nasira nung World War II at inayos but was formally closed nung 1996.

After 25 years na sarado ang MET, the theater was fully restored and will formally open this coming December.

Nang malaman ng singer-actress na si Angeline Quinto (31) na magbubukas na muli ang Metropolitan Theater, agad siyang nagpahiwatig sa ABS-CBN bosses na gusto niyang magkaroon ng series of digital concerts sa nasabing teatro to celebrate her 10th anniversary in showbiz. Sa halip na isang gabi lamang ay gagawin niya itong sampung gabi kung saan niya nakatakdang maging special guests sina Vice Ganda, Regine Velasquez, Ogie Alcasid, Darren Espanto at iba pa. Ang ten-day concert ni Angeline ay mapapanood sa iba’t ibang digital platforms tulad ng ktx-Ph, iWant TFC, TFC IPTV at iba pa. Ngayon pa lamang ay pinaghahandaan na ito ni Angeline na excited sa kanyang muling pagbabalik sa concert scene.

Si Angeline ay sandaling naging bahagi ng top-rating primetime TV series na “Huwag Kang Mangamba” na pinagbibidahan nina Andrea Brillantes at Francine Diaz.

Subscribe, like, share and hit the bell icon of #TicTALKwithAsterAmoyo on my YouTube channel. Follow me on Instagram and Facebook@asteramoyo and Twitter@aster_amoyo.

AUTHOR PROFILE