
Murder suspek timbog sa Tanauan
KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Arestado noong Miyerkules ng mga otoridad ang isang lalaki dahil sa kasong pagpatay sa Tanauan City, Batangas.
Nakilala ang suspek na isang 26-anyos at naninirahan sa Tanauan City.
Naaresto ng mga tauhan ng Tanauan City Police Station ang suspek kasama ang Maritime Police Station, Special Operations Unit bandang alas-2:06 ng hapon noong Oktubre 4.
Suspek ang nahuli sa pamamaril noong Abril 10, 2023 sa Bgy. Natatas, Tanauan City, Batangas kung saan isang menor de edad ang napatay. Mabilis na tumakas ang suspek matapos ang pamamaslang.
“Doble kayod ang kapulisan po ng Batangas sa pagtugis sa mga nagkasala sa batas.
Mariin pong iniimbestigahan ang mga kaso upang masiguro ang pagkakaroon ng hustisya sa mga biktima ng krimen,” sabi ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte.