Posas

Murder suspek sumuko

November 11, 2023 Jojo C. Magsombol 135 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Hindi nahirapan ang mga pulis na lutasin ang kaso ng pagpatay sa Sto. Tomas City, Batangas nang kusang loob na sumuko noong Miyerkules ang suspek.

Naganap ang umano’y pagpatay ng 24-anyos na suspek sa kanyang biktima sa Barangay Poblacion 1, Sto. Tomas City, Batangas.

Residente ng Sitio Maligaya Bgy. Bukal Sur, Candelaria, Quezon ang suspek, ayon sa report ni Batangas Police Provincial Director Col. Samson Belgica Belmonte kay Police Regional Office 4A Director Police Brigadier General Paul Kenneth Lucas.

Sumuko ang suspek bandang 10:46 ng hapon noong Nob. 8 sa mga tauhan ng warrant section ng Sto Tomas City Police Station (CPS) at sinamahan pa ng mga staff ni Raffy Tulfo in Action at ng kanyang pamilya.

AUTHOR PROFILE