Posas

Murder suspek nagtago tiklo

November 9, 2023 Jojo C. Magsombol 152 views

KAMPO HENERAL MIGUEL MALVAR, Batangas–Tapos na ang maliligayang araw ng isang murder suspek ng makapagtago matapos makagawa ng malagim na krimen at mahuli ng mga pulis sa Sitio Albayak, Bgy. Nagsinamo, Lucban, Quezon noong Lunes.

Ayon kay Batangas City Police Station chief PLt. Col. Diana Dela Cruz Del Rosario, 50-anyos ang naarestong suspek, binata at residente ng Bgy. Tabangao Aplaya, Batangas City.

Natiklo ang akusado ng mga operatiba ng Batangas police kasama ang iba pang police units ng Quezon noong Nob. 6.

Inaresto ang akusado sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court, Branch 3 ng Batangas City noong May 12, 2023.

Walang inirekomendang piyansa ang korte kapalit ng pansamantalang paglaya ng suspek.

AUTHOR PROFILE