Timbog SWAK–Himas-rehas ang suspek sa murder matapos matimbog sa Intramuros. Kuha ni Jon Jon Reyes

Murder suspek laglag sa parak

March 1, 2024 Jonjon Reyes 77 views

TIMBOG sa mga operatiba ng Manila Police District (MPD) ang 44-anyos na lalaki na wanted sa kasong pagpatay sa Northern Samar sa operasyon sa Intramuros, Maynila kamakailan.

Kinilala ang akusado na si alyas Erwin ng Purok 3, Brgy. Magsaysay, Las Navas, Northern Samar.

Naaresto ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Presiding Judge Ricardo Estavillo Amos ng Regional Trial Court Branch 22, ng Laoang, Northern Samar.

Nag-ugat ang operasyon nang makatanggap ng intelligence report ang MPD tungkol sa kinaroroonan ng suspek sa Intramuros.

AUTHOR PROFILE