Lala

MTRCB Chair Lala hindi raw sumali sa deliberation sa suspension ng ‘It’s Showtime’

September 6, 2023 Aster Amoyo 454 views

NILINAW ng Movie and Television Review Classification Board (MTRCB) na hindi pa final and executory ang pasya na patawan ng 12-airing days ang “It’s Showtime” dahil puwede pang umapela ang programa.

Sa Chika Minute report ni Nelson Canlas sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, sinabi ng MTRCB na hinihintay pa ang “finality” sa desisyon tungkol sa isyu ng “It’s Showtime.”

“With others, puwede naman talagang ma-suspend na kanina pa lang. But no, again, in the spirit of fairness, we’re giving them the chance kaya hindi sila suspended today. We will wait for its finality,” sabi ni MTRCB Chairperson Lala Sotto.

Nauna nang inanunsyo ng MTRCB na ang desisyon na pagsuspinde sa “It’s Showtime” ay dahil sa mga reklamo sa umano’y indecent manner ng mga host na sina Vice Ganda at Ion Perez habang kumakain ng case sa “Isip Bata” segment sa episode noong July 25.

Pinabulaanan din ni Sotto ang mga akusasyon na pinag-iinitan ng ahensiya ang “It’s Showtime.” Si Sotto ay anak ni dating Senate President Tito Sotto, na host ng isa ring noontime show.

“No, that is not true. Siguro natural lang naman sa mga supporters ang maging ganoon ang pakiramdam kasi siguro naririnig nila na parating na-re-report. But hindi po kasalanan ng MTRCB ang violations na ginagawa nila,” paliwanag ng opisyal, na sinabing ang board ng MTRCB ang humawak sa reklamo laban sa “It’s Showtime.”

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng MTRCB na hindi sumali si Sotto sa botohan, “ensuring that members of the Board exercised their independent judgment in determining the appropriate course of action.”

Nauna nang sinabi ng ABS-CBN na maghahain sila ng motion for reconsideration sa MTRCB para mabawi ang suspension order sa programa.

Ara bilib na bilib sa stepdaughter na si Kirsten

SUPORTADO ni Ara Mina ang kanyang stepdaughter na si Kirsten Almarinez na mag-compete sa Miss Teen Model Universe sa bansang Spain sa November 2023.

Bigla raw bumalik sa alaala ni Ara ang pangarap sa kanya noon ng kanyang inang si Venus Imperial na maging isang beauty queen siya. Naging Mutya ng Pasig in 1967 ang ina ni Ara bago ito naging artista.

“’Yung mommy ko kasi gusto akong maging beauty queen before. Si Kirsten na lang ang maging beauty queen sa family. Kasi, tingnan mo naman, katawan pa lang, ang waistline ay 21 inches. She has a height and hindi na niya kailangang magpaturok ng lips kasi natural na siya. Natural ang features niya. Matangos ang ilong niya,” sey ni Ara. .

Bukod daw sa beauty and brains si Kirsten, mabait at matulungin daw ito. Alam ni Ara na malaking factor din iyon para sa pag-build ng confidence ni Kirsten.

Political Science ang kursong kukunin ni Kirsten sa University of British Columbia kapag nagbukas na ang classes. Itutuloy daw nito ang pagkuha ng law degree.

“I didn’t really experience being a beauty queen, but I guess ang tip ko lang na maibibigay is for her to be confident, to be herself, be transparent and not to be pretentious,” advise ni Ara sa kanyang stepdaughter.

Handpicked pala si Kirsten ni Miss Teen International Philippines Organization headed by Charlotte Dianco. Ang ilang pang existing franchise ng MTIP ay ang Miss Teen International, Miss Teen Model International, Miss Teen Universe, Miss Teen Earth, Miss Teen Global, Miss Teen Model Universe and Miss Teen Grand Philippines.

Jake masaya para kay Dolly, gumagawa rin ng ingay sa international scene

MASAYA ang international Filipino actor na si Jake Macapagal sa tinatakbo ng career ni Dolly de Leon.

Naikuwento ni Jake na naging instrumento siya kung bakit nakasama sa cast ng international film na “Triangle of Sadness” si Dolly kunsaan nakitaan ito ng husay sa pag-arte at tumanggap ng kabi-kabilang parangal at acting nominations.

“I was part of the casting process. I acted as a casting director, I put a roster of theater actors in my list, and one of them is Dolly de Leon. The film’s casting director Pauline Hansson created a team of casting directors here in the Philippines,” sey ni Jake na noon pa raw ay bilib na sa husay ni Dolly.

Si Jake naman ngayon ang gumagawa ng ingay dahil sa pagkakasama niya sa cast ng Hollywood series na “No Escape.” Isa itong “fast-paced mystery-thriller about travelers on a yacht whose blissful lives turn into a nightmare when one of them disappears.”

Ginagampanan ni Jake ang role bilang si Justin Reyes at kinunan ang series sa Thailand. Nag-premiere ito sa Paramount+ sa United Kingdom.

“If you’ve been deprived for years, you visualize yourself to be on an international set with an international cast. With diverse people in the community working together to create a TV series or film, it was surreal,” sey ni Jake na nagbida sa cirtically-acclaimed British films na “Metro Manila” in 2013.

Big break ni Jake ay noong mapasama siya sa cast ng Miss Saigon in Germany and the U.K. noong 1994. Nakagawa naman siya ng mga magagandang pelikula sa Pilipinas tulad ng Compound, Foster Child, Kid Kulafu, Posas, Sa Gabing Nanahimik Ang Mga Kuliglig, at Watch List.

Sa edad na 56, patuloy pa rin daw ang dasal ni Jake na makilala ang husay ng Filipino actors globally.

“We’re all catching the wave. I hope it paves the way for more Filipinos. I know that Filipinos are very talented and hardworking so whatever we’re doing, you’re doing, I’m doing my part, it will lead to an opening or a window for other people.”

AUTHOR PROFILE