Mupas Iniharap ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, hepe ng MPD Raxabago PS1, ang apat na katao na naaresto sa Tondo buy-bust. Kuha ni JONJON C. REYES

MPD nasabat P.5M shabu sa Tondo, 4 timbog

September 18, 2023 Jonjon Reyes 1112 views

SWAK sa selda ng Manila Police District (MPD) ang apat na drug suspect matapos maaresto sa buy-bust na isinagawa sa Mel Lopez Boulevard sa panulukan ng Clariben Compound sakop ng Barangay 123 Tondo, Manila Linggo ng hatinggabi.

Nakilala ang target ng operasyon na si alyas Ronnie Jr., 28 ,trike driver, may ka-live in, kaanib ng Batang City Jai l( BCJ), at residente ng Barangay 123 Zone 9, Tondo.

Maging ang umano’y kasabwat ni Ronnie Jr. na sina alyas Raniel,19 , ng Brgy.128, Balut, ay binitbit din ng mga awtoridad at ang dalawa pa na nadamay sa transaction.

Batay sa ulat ni Police Lieutenant Colonel Roberto Mupas, Commander ng Raxabago Police Station 1, bandang 11:45 ng hatinggabi, nang ikasa ng kanyang mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit( SDEU) ang buy-bust sa pangunguna ni Police Major Geo Colibao.

Isa sa mga tauhan ng SDEU ang nagpanggap na buyer sa ipinaing marked money ay ntimbog ng mga suspek,.

Unang narecover ni Police Staff Sargent Mar Bhen Gacutan, team lider ng SDEU, ang plastic sachet ng hinihinalang shabu. Nakuha mula kay Lunado ang isang bultong plastic sachet ng hinihinalang shabu na tumitimbang sa 75 gramo at katumbas sa halagang P510,000.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Article ll ng Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002) ang mga natimbog na suspek.

Nagpaabot ng papuri at pasasalamat si “The Game Changer General” MPD Chief PBGen.Andre P. Dizon sa mga kapulisan ng Raxabago matapos ang mapayapang operasyon laban sa illegal na droga,.

AUTHOR PROFILE