
MPD namahagi ng bigas, groceries sa Manilenyos

Kuha ni JON-JON C. REYES
Bilang pagdiwang ng Nat’l Heroes Day
BILANG bahagi ng pagdiriwang ng National Heroes Day, ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) katuwang ang samahan ng mga mamamahayag ng MPD Press Corps (MPDPC) ay namahagi ng grocery items sa mga kapuspalad lalo ngayong umiiral pa ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila sa gitna ng COVID-19 pandemic.
Pinangunahan ni MPD Director PBGen.Leo M.Francisco ang pagbibigay ng bigas at groceries sa may mahigit 600 na katao kasama sina MPDPC President Francis Naguit at sina Andy Co,Vincent Chan,Cesar Go,at Chairman Jeff Lau ng Fujian Phil. at ng Good Fellow Foundation.
Sa pamamagitan naman ng ilang mga Filipino-Chinese nationals para maisakatuparan ang nasabing aktibidad,nagbigay ng donasyong bigas at groceries ang Fujian Phil. at ng Good Fellow Foundation sa pangunguna nina Co, Chan, Go at Lau.
Ayon kay MPD Director Brig.General Leo Francisco, nasa 600 benepisyaryo ang nabigyan ng grocery items kabilang ang mga residente mula sa Brgy.735,737 at mga residente sa bahagi ng Kalaw St, sa Ermita, Maynila.
Ang pamamahagi ay ginanap sa MPD Headquarters sa U.N Ave Manila.
Nakibahagi rin sa aktibidad ang ilang opisyal ng MPD kung saan sinabi ni Francisco na naging tulay ang MPDPC sa nasabing aktibidad na layon lamang na mabigyan ng tulong ang ating mga kababayan na kapuspalad kasama ang mga men in uniform.
“Where Philippines goes, Manila goes,”pahayag ni Francisco.
Sinabi naman ni MPD-PIO Capt Philipp Ines na sa pamamagitan ng ganitong mga proyekto o programa ay naipapanumbalik ang tiwala ng mga tao para magserbisyu sa mamamayan.
With JON-JON C. REYES