
MPD nagdiwang ng 122nd yr anniversary
PINANGUNAHAN ni Manila Police District (MPD) Director Police Brigadier General Andre Dizon ang pagdiriwang ng MPD ng 122nd year anniversary sa Roxas Blvd., Ermita, Manila noong Miyerkules.
Sa kanyang talumpati, inalala ni Dizon ang mga dati niyang kasamahan na namatay habang gumaganap sa kanilang tungkulin bilang mga alagad ng batas.
May temang “Nagkakaisang Pulisya at Pamayanan tungo sa Mapayapa at Maunlad na Bansa” ang anibersaryo ng MPD.
Binigyang parangal din ang 15 MPD policemen dahil sa kanilang kasipagan at katapangan habang gumaganap sa kanilang tungkulin.
Sinabi ng heneral na halos kasing edad ng Philippine National Police ang MPD na kilala dati bilang Western Police District.
Kinilala din ni Dizon ang lahat ng bumubuo ng Manila’s Finest.
Lubos ang pasasalamat ng heneral sa alkalde ng lungsod dahil sa tulong at suporta sa MPD.
Naging panauhing pandangal sa anibersaryo ng MPD si Manila Mayor Dra. Honey Lacuna Pangan.
Dumalo din ang ilang matataas na official ng PNP-National Capital Region Police Office at District Director sa NCR kasama ang ilang retired generals na nanungkulan bilang director ng MPD.