MPD Pinangunahan nina MPD (Manila Police District) Chief Andre P. Dizon, Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan, (kaliwa) at PNP (Philippine National Police) Chief Rodolfo Azurin Jr. (gitna) ang pag-aalay ng bulalak sa harapan ng hono roll ng MPD HQ sa pagdiriwang ng 122nd founding anniversary ng nasabing punong himpilan ng Manila Police. Kuha ni Jon-jon Reyes

MPD ipinagdiwang 122nd founding anniversary

February 21, 2023 Jonjon Reyes 428 views

KAHIT naging makulimlim at may masamang panahon ay idinaraos pa rin ang mga kapulisan ng Maynila ang ika-122 anibersaryo ng pagkakatatag ng Manila Police District (MPD) sa U.N. Avenue, Ermita, Maynila, Martes ng umaga.

Nag-umpisa ang programa sa isang arrival honors sa pangunahing pandangal na sina Manila Mayor Dra. Maria Sheilah “Honey” Lacuna-Pangan at PNP Chief General Rodolfo Azurin Jr. at ang tradisyon ng paglagda sa guest book ng himpilan.

Nagpatuloy ang programa sa pamamagitan ng wreath-laying ceremony nina MPD Director P/Brigadier Gen. Andre P. Dizon, Mayor Lacuna-Pangan, at Azurin Jr. sa “honor roll” ng mga yumaong pulis Maynila bilang pagkilala at pagbibigay pugay sa harap ng MPD Headquarters.

Muling kinilala at pinasalamatan nina Azurin at Dizon ang mga nagsilbing director ng MPD na sina late Alfredo S. Lim, na isang police general at dating alkalde ng Lungsod ng Maynila; Gen. Efren Fernandez (Ret.); dating PNP chief Gen. Avelino Razon (Ret.); Gen. Pedro Bulaong (Ret.); Gen. Danilo Abarsoza (Ret.); Gen. Roberto “Boysie” Rosales (Ret.); Gen. Roberto Rongavilla (Ret.); Cavite councilor Gen. Alex Gutierrez (Ret.); at Gen. Rolando Nana.

Sa mensahe ni Azurim, pinasalamatan niya ang mga nagdaang director ng kapulisan ng Lungsod ng Maynila at sinabing sila ay “haligi ng MPD.”

Dagdag pa ng PNP chief, marapat na kilalanin ang kanilang “pagmamahal at malasakit” hindi lang sa kapulisan pati na rin ang mga mamamayan.

Ani Azurin, inspirasyon sila ng mga pulis mula sa dating Western Police District (WPD) at “Manila’s Finest” at kasalukuyang “Manila Police District” o MPD.

Pinaalalahanan din ng PNP chief na sundin ang programang MKK=K o “Malaskit, Kaayusan Kapayapaan at Kaunlaran” at BIDA, “Buhay Ingatan Droga ay Ayawan” para mahikayat ang taumbayan na tulungan ang kapulisan.

Nagkaroon din ng parangal sa mga kapulisan ng Maynila mula sa iba’t-ibang istasyon ng MPD kabilang sina P/Lt. Alma Dimasupil ng Barbosa Police Station (PS) 14, bilang “PCR PNCO (Police Community Relation-Police Non-Commissioned Officer) of the Year”; PEMS Nino Simbajon ng PS 14, “Finance PNCO of the Year”; at P/Capt. Dennis Turla, hepe ng Homicide Section, bilang “Case Manager of the Year.”

Naging “Station of the Year” naman ang MPD Raxabago PS 1 sa ilalim naman ni P/Lt. Col. Rosalino Ibay Jr. at “PCP (Police Community Precinct) of the Year” sa ilalim naman ni P/Capt. Allan Rosca, hepe ng Padre Algue PCP MPD PS 2.

Lubos naman nagpasalamat ang tinaguriang “The Game Changer General” na si Dizon ang lahat ng mga dumalo sa pagdiriwang.

AUTHOR PROFILE