
MPD Director General Andre Perez Dizon nagbigay pugay sa namayapang Mayor Lim
NAG alay ng taimtim na dasal at sumaludo si MPD Director Police Brig.Gen. Andre P. Dizon sa puntod ni dating Manila Mayor Alfredo S. Lim sa Loob ng Manila North Cemetery.
Nabangit din ni PBGen. Dizon na isa sa mga inidolo niyang Police General ay si Mayor Lim,dahil aniya dito niya lang narinig at naramdaman ang pagmamahal sa mga kapulisan tulad niya.
“Si dating Manila Mayor Alfredo Lim ang unang heneral na umiiyak pagdating sa usaping kapulisan dahil daw ito sa pagmamhal niya sa kanyang mga kapulisan lalo na kapag may mga nagbubuwis ng buhay at namamtay sa kanilang trabaho,” ani PBGen. Dizon.
Kasabay nito nag tungo din si PBHen Dizon sa Puntod ng mag asawang aktor at actress na sina “DA KING” Fernando Poe Jr.at Susan Roces
Tinungo din ng butihing heneral ng MPD ang libingan ng mga yumaong Pulis Maynila.